HOMETOWN TALKS: Sampaloc, Manila

“Wala ka nang mapuntahan
Hindi malaman kung saan
‘Di ko malaman kung saan”- Eraserheads, 68 Sixto Antonio Avenue.

Manilenyong napadpad siya sa iba’t ibang dako ng bansang minumutya (pero pinuputa ng iba): minsan sa Cebu, minsan sa Kyusi, minsan sa timog Luzon Subalit, kurot sa puso at gunita ang alaala ng kamusmusan, kabataan sa lugar na ito ng Maynila.

Kataksilan pala ang paglayo sa kinagisgnang lugar, kahit dahil sa ilang mga pangyayaring wala na siyang kontrol.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabura sa isipan ang mga imahen ng mga naglaho, lumisan, o yumaong tao. O nawalang mga tindahan at pananda ng lugar:

Pagpunta sa Misa sa UST Chapel.

Pagdaan sa A.H. Lacson / “Porbes” sa tapat ng UST bago dumalo sa Misa sa UST Chapel

Pagkakita sa pagupitan ni Madam Auring (sikat na manghuhula noong 90s) sa A.H. Lacson

Pagbili ng tinapay sa Panaligan’s Bakery (sa may P. Florentino)

Pagbili ng mga pang-snacks sa tindahan ni Aling Patreng

Si “Clinton” na taga-Iligan pero laging Sampaloc

Pagpunta sa bahay nila lolo at lola sa kalye ng Ma. Cristina.

Pagpapagupit sa barberya sa may kanto ng Ma. Cristina at Espnaya (na naging Esperanza Place)

Pagbili ng inumin at iba pa sa nawala nang 711 sa may kanto ng Espanya / M.Dela Fuente (Trabajo).

Pagtunghay sa nawala na ring sinehan ng Baron na naging Savemore.

Pagpunta sa pamilihan ng Trabajo kasama ang yumao nang lola sa ama.

Siya ay muling bumalik, tila sa huling pagkakataon, nang mag-aral sa kolehiyo:

Pagtambay sa Burger King sa Dapitan (na naging bookstore at naging ibang establisyemento paglaon).

Pagkain sa “Hapag” na lutong-bahay na kainan sa may V-Concepcion (O Asturias)

Pagprint sa nawala na ring Netopia na computer shop (bandang V-Con-Dapitan).

Pagbili at pagkain ng hot peanuts sa Dapitan pag walang klase

Pagtambay sa SM San Lazaro o Robinsons’ Ermita (!) pag walang klase.

Pagpunta sa Wendy’s o KFC sa Dapitan kung may natirang ipon o may natira sa honorarium sa pagiging campus journalist sa USTe.

Pagtunghay sa mga bus na pa-Ilocos sa terminal ng Maria de Leon (sa kanto ng Dapitan at Gelinos yata).

Pagbili sa Tinapayan sa may Dapitan din,

Isang libo’t isang piraso ng gunita ang naglalaro sa gunita hanggang ngayon sa kanyang tila. Para siyang batang pilik ibalik sa buo ang mga pirasong ito.

Gunita ng isang kalsada: Ascencion Avenue, Lagro

*ALAY SA MGA LUMAKI AT NANIRAHAN DITO

Ang daming nagbago sa pangunahing kalsada sa aming subdivision, lalo na sa mga taon bago at matapos ang pandemya. Iba pa ito sa mga nagbago at nawala bago at noong naninirahan na ang mga dating dayo tulad namin doon (bago muling dumayo sa ibang lugar). Totoo nga, hahanapin mo rin ang mga nawala na at nagpalit ng anyo.

Ginagawa pa rin ang MRT sa bandang Qurino Highway. Supposedly dapat ang dulo nito ay sa may San Jose del Monte, Bulacan. Pero batay sa nakita ko at naririnig, umaabot pa lang ang “tulay” ng MRT sa may boundary ng QC at Caloocan City North.

Wala na ang Baliwag’s sa may Mercury, kanto ng Ascencion at Quirino-Highway.

Wala na ang ukay-ukay sa pagitan ng Mercury at Jollibee; pinalitan na ito ng Korean store

Wala na ang Ice Cream House. (Sinubukan pa itong buhayin sa may bandang pa-Fatima pero nagsara rin, malamang bago magpandemya).

Wala na rin ang mga computer shop ng elementary at high school days: PC Haus, People at Work, Gets. (Baka may nakalimutan pa ako).

Buhay pa rin ang Grecawil pero tinanggal na rin yung water tank na nasa looban mula dito.

Wala na ang pondohan ng FX sa pagkalagpas ng Grecawil.

Pero marami nang e-jeep at lumang jeep na dumaraan dito.

Wala nang Bon’s photo shop (kung saan nagpapakuha tayo ng mga 2×2, passport size etc na picture).

May mga nagsulputang milk tea shops, shawamarhan, at coffee shops mula palengke hanggang sa may bago magHaldemand auto repair shop Nariyan pa rin yung tindahan ng kakanin ni Aling Marissa (tabi ng Boy Labandero) pero ukay-ukay / tindahan na ng damit ang pumalit sa dating karinderya ni Aling Norma.

Matagal nang nawala ang Arjay’s na manukan (90s pa ata nawala ito). Napalitan ng burgeran at iba pang pandina ng pagkain.

Wala na ang Grocerya SanJay at yung dating wedding dress store na pumalit dito. Inaaala ko pa ano ang pumalit dito.

Nandoon pa ang “Tone” (School of St. Anthony). Pero sa may main gate ay bubungad ang sign na kailangang i-scan ang QR code bago pumasok (tanda ng pagdanas natin ng C.E / Covid Era). At kung sakaling papasok ako sa school, batid ang gunitang ang mga guro at ka-batch na yumao na simula nang aming pagtatapos noong 2004.

Kung madadaanan kayo, mga kaibigan at kakilala sa Ascencion Avenue, magegets na natin ang feeling ng mga nakatatanda kapag bumabalik sila sa isang lugar na matagal na nilang nalisan o iniwan. Makikita man nila ang lugar, ibang-iba na ang landscape at “vibes” nito.

Pwede po kayo magdagdag ng details o i-correct ako sa mga pag”senti” sa mga lugar na ito!