Quo vadis

Payo nga ng isang salawikain sa atin na ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang parororoonan. Ayon dito, kailangan nating balikan ang daang nagmula sa nilisang tahanan, paaralan, kapisanan o bayan habang pinupursige ang paglalakbay na inudyok ng di maiiwasang tawag ng mithiin, hangarin, layunin o tunguhin sa buhay. At sinuhayan naman ito ng pahayag ng isang makata na masusukat natin ang layo ng ating tinahak mulang simula sa pamamagitan ng kasalukuyang lagay ng ating paglalakbay.

Mapagtatanto mo ang payong ito lalo na’t nagninilay ka sa gitna ng iyong pakikipagsapalaran. Pakiramdam mo kasi ay tila inililigaw ka ng mga tiyanak na nakaamba sa mga tagong-punso at kahit nagbaliktad ka ng T-shirt, pantalon at salawal ay wari mo’y hindi ka pa nakakabalik sa daang dapat mong binabagtas. Kailangan nga talaga ang lumingon sa kahapon.

Pero paano kaya kung ora-orada mo namang binabalikan ang iyong nakaraan? Iyon bang habang tanaw mo na ang patag na parang sa orisonte ay ulit-ulit namang bumabalik sa iyong alaala ang mga hulagway ng itinuturing mong “ginintuang panahon” ng iyong buhay. Iyong mga araw na wala ka pang iniisip na problema kung paano babagtasin ang mabatong daan patungo sa bundok. O ang paggugunam-gunam kung may tatahakin ba ang iyong buhay. Kaya’t ulit-ulit ka ring lumilingon sa daang kanina lamang ay iyong binagtas, tila tinutularan mo ang asawa ni Lot na tinangka pang masdan ang winawasak nang lungsod ng Sodoma.

Hanggang magbantulot ang iyong mga paa, at mag-alangan ang iyong isip na hindi mo na kayang ipagpatuloy ang paglalakbay.Napagpasiyahan mo na lamang na tumigil sa gitna ng daan, tila isang tipak ng asin. Saka mo naisip na nanigas na ang iyong mithiing maglakbay dahil sa labis-labis mong pagsamba sa nakaraan at pagsunod sa mga lumang kasabihan

One thought on “Quo vadis

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s