Libro at Internet

Katatamaran ang mga silid-aklatan o silid-aralan,
dahil ang tahanan natin ay higit sa mga pahina:
nabubuksan ang mga talakatakdaan, talasalitaan,
talakasaysayan, at kung anu-ano pang kababalaghan.
– “Internet”, Bobby Anonuevo

Isang hamon para sa akin ang pagbabasa pa ng mga libro ngayong isa na akong “netizen.”  Bukod sa pagpopost ng mga saloobin at ideya  sa blog na ito (himantayon2), pagbabasa ng mga online news edition, araw-araw din akong nagtsetsek ng aking Friendster, Facebook at Plurk accounts upang tignan kung may mga bagong messages akong natanggap. Hindi pa kasama rito ang pag-eedit ko sa  sinimulang blog naming magkaibigan tungkol sa mga kwento sa pagkocommute.

Sa kasalukuyan may dalawang bagong bili akong libro,ang “Mass” ni Manong Frank Sionil Jose at ang “Walong Diwata ng Pagkahulog” ni Edgar Samar. Dahil nag-iinternet ako sa tuwing pagkarating sa bahay galing sa opisina, nakakapaglaan na lang ako ng mga 30 minutos bawat gabi upang makatapos ng kahit isa o dalawang kabanata ng mga librong ito. Natapos ko nang basahin ang “Mass,” at kasalukuyan ko nang binabasa ang nobela ni Egay Samar.

Tila panata na para sa akin ang pagbabasa ng libro.Kailangang may matapos akong chapter sa gabing ito, tila bulong ko sa aking sarili. Ano nga bang mga katangian sa libro na hindi kayang mapunan ng Internet, networking sites o blogs?

Nabanggit sa akin minsan ng aking tatay na ang pagbabasa ay isang “gawaing pang-intelektwal,” ibig sabihin kailangan dito ng kritikal na pag-iisip habang may nasasagap ang mambabasa ng mga bagong ideya, kaisipan o diwa mula sa mga talata. Sa pagpinid ng libro ay maaaring mabago ang pananaw natin sa mundo o lalo pang mapadiin ito, depende sa ating pagsang-ayon o pagsalungat sa ideya ng awtor.  Bukod pa rito, hinahamon tayo ng pagbabasa, lalo na ng mga akdang-pampanitikan, na makabuo ng mga imahe o hulagway mula sa isinasalaysay ng awtor.

Sang-ayon ako dito at isususog ko pa ang ilang praktikal namang dahilan kung bakit mahalaga pa rin ang pagbabasa ng libro kahit isa ka nang “netizen.”

Una, sinasala ng mga editor ang nilalaman ng mga manuskrito bago payagan ang awtor na ipalathala ang mga libro. Sa kaso ng mga nobela at tula, nagsisimula ang mga ito bilang lahok sa mga palihan o workshop, bibigyan ng komento ng mga hurado, aayusin ng may-akda, ipapasangguni pa ulit sa mga beteranong manunulat hanggang sa makontento na ang awtor (Ipagpalagay na sa pagsasala ng mga manuskrito, parehong bihasa ang manunulat at editor sa nilalaman ng akda.)  Pangalawa, kayang bitbitin ng mambabasa ang libro kahit saan man siya mapapunta, mapasakay man siya sa bus (pero baka masira ang mata niya habang binabasa niya ito sa pagbibiyahe), sa tinutuluyang bahay ng kamag-anak sa probinsiya o habang nagpapahinga sa silid ng isang resort. Bagamat may kapabilidad na rin sa celphone na makapagplurk o chat, kailangan “naka-full battery”  ito upang gumana. Idiniin na ito ni Gregorio Brillantes sa isa niyang sanaysay. Samantala, kailangang maghanap muna ng Wi-Fi signal ang sinumang gustong gumamit ng laptop upang makipag-ugnayan sa mundo.) Sa pagbabasa ng libro, kailangan lang ang maliwanag na ilaw(sinag ng araw o mga fluorescent na bumbilya)  para magawa ito.

At pangatlo, kayang ipagpatuloy ng mambabasa kahit kailan ang pagbababasa kung sakaling maputol ito bunsod ng mahalagang gawain. Hindi tulad sa paggamit ng Internet na kapag nakaupo ka na sa harap ng kompyuter ay tila ayaw mo nang umalis dito dahil marami kang ka-chat na kaibigan, ngunit nagpapantig naman ang tenga ng mga magulang mo dahil hindi ka na mautusan bumili ng suka o maghugas ng pinggan.

Ngunit, ang maganda naman sa pagka”netizen’ ng isang mambabasa ay nagagawa niyang ipakalat sa iba ang nilalaman ng nabasang sanaysay, tula, kuwento o nobela. Maaari niyang ipaaalam sa mga kaugnayan niya sa mga networking sites na may natipuhan siyang libro at nirerekomenda din silang basahin ito.  Dati rati ay sa mga book review sa dyaryo  lang nakikita ito, at isinusulat lamang ng mga matatanda nang kolumnista o kritiko. Ngayon, kahit isa ka lang estudyante o trainee sa isang kumpanya, basta nakakapagsulat ng rebista (review) ng mga libro at may ugnayan sa Internet, maaari na siyang magsuri ng mag nabasang libro. Ang magiging tanong na lang dito ay kung anong mga pamantayan ang ginamit niya kung bakit nagustuhan o naaayawan niya ang isang libro. Sa aspetong ito ay kailangang mapanuri ang mga mambabasa ng blogs tulad ng pagtanong kung kapani-paniwala ba ang pagsasalaysay ng awtor sa kuwento.

Sana kahit sa ganitong paraan ay hindi pa rin “katatamaran” ng mga netizens na Pinoy ang mga libro alang-alang sa pandito’t pang-ngayon na pakikipagugnayan sa social networking sites. Bagkus maging paraan pa ito upang maitaguyod ang pagbabasa sa ating mga kababayang naging mamamayan na ng Internet.

10 thoughts on “Libro at Internet

  1. Hello po. Ang ganda po ng blog na to ninyo.
    Gusto ko po sana magpatulong sa gagawin kong research paper.
    Ang topic ko po eh about sa internet vs Libro.
    Ano po ba ang mga possible questions na pwedeng itanong ko sa research ko po?…maraming salamat po.

    • maraming salamat kate sa pagdalaw sa aking blog. ang tanong ko is ano yung anggulo o usaping nais mong talakayin sa paper mo? mula sa iisang anggulo saka ka pupwdeng makahanap ng mga tanong na nais mong hanapan o gawan ng sagot. Sa ngayon ay magmumungkahi ako ng ilang tanong na sa tingin ko ay naangkop sa tanong mo: 1) alin sa Internet at libro ang mas accessible para sa mga gagamit nito (bagama’t mukhang obvious na ang sagot ay mahahanapan mo pa rin ito ng ibang sagot kung maghahanap ka ng mga lugar na hindi pa gaanong abot ang paggamit ng Internet, b.) kung jinilala ng citation sa mga research works ng mga mambabasa o estudyante ang mga siniping may-akda, mapa-Internet man o libro c.) ano ang mga paksang mas hinahanap sa Internet kumpara sa hinahanap sa mga libro?

      • hi poh..tanong ko lang po kung ano po bang pwedeng maging kwestyoner ang pwdeng maitanong mula sa libro vs internet? ngayon ko po sana pwede malaman.tnx po.

  2. …..napakaganda po ng ginawa niong blog….so maytatanung lang po ako kung ano ang maganda kung isagot sa itatanung skin kapag sinabing anu ang higit na mahalaga libro o kumpyuter>????so sana po matulungan nio po ako dahil sasali po ako sa extemporanious speaking po….

    • hi salamat sa pagcomment dito. ideally mas maganda ang libro kung ang hinahanap mo ay reliable na information. Pwede naman sa Internet kaso dahil mas free yun, at walang authority na nagsasala ng lahat ng uri ng impormasyon, dapat maingat tayo sa paggamit nito. Pero, ganoon din sa libro, hindi lahat ay maaayos din ang pagkakaedit, kaya verify mo talaga.

  3. saan pa po ako pwede makakuha ng kaugnay na literatura at pag-aaral tungkol sa internet at silid-aklatan? pwede nyo po ba akong tulungan? para po kasi ito sa aming pamanahong papel sa fil2.. maraming salamat po.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s