Mga (pa)liwanag

At dahil malapit na ang Linggo ng Pagkabuhay, minarapat kong magpaskil ng hinggil sa pagsibol muli ng pag-asa sa gitna ng lambong ng dilim. Alam kong paulit-ulit nang tema ito na paulit-ulit nang sinang-ayunan o pinabulaanan ng kung sino mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Gayunman, hindi ko mapigilang sumipi ng dalawang importanteng quotation na sa tingin ko ay mahalagang mabatid sa panahong napapalibutan tayo ng mga nakakasilaw na ilaw, sinag  at kinang.  Nakapupukaw kasi ng kaisipan at pagmumuni.

a.) Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.

     Ang liwanag  ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang boong katunayan ng mga bagay-bagay.

     Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapuy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat ng kamay ng nagaganyak na dumampot.

     Ang ningning ay maraya.

     Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. 

      —Ang Ningning at Liwanag-Emilio Jacinto (muling inilathala sa Liberty and Love: The Political and Ethical Philosophy of Emilio Jacinto, na iniakda ni Rolando Gripaldo)

b.)  Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang o kaya’y ilagay sa ilalim ng takalan. Inilalagay ito sa talagang putungan upang pagpasok ng mga tao’y makita nila ang liwanag. Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mga mata, maliliwanagan ang buo mong katawan…-Luc.11:33-34

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s