Paggunita sa mga Luna at ilang suliranin

*kuha ng may-akda ang dalawang litrato sa post

Matatagpuan sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte ang shrine para sa magkapatid na Luna: Antonio at Juan. Kapwa makulay at kontrobersyal ang kanilang mga naging papel sa kasaysayan ng Pilipinas. Sinasabing mahusay-husay na heneral noong Digmaang Pilipino-Amerikano si Antonio, pero siya ay may mga nakaaway dahil sa kanyang init ng ulo at walang kompromisong tindig para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pero noong 1896, sa kasagsagan ng paghuli ng mga awtoridad sa mga pinaghihinalaang Katipunero, nahuli si Antonio Luna at nagbanggit sa mga Kastila ng ilang detalye na siyang nagdiin kay Jose Rizal sa mga kasong subersyon.

Samantala, larawan ng late 19th century “Pinoy Pride” si Juan Luna. Kasama ni Felix Resurreccion Hidalgo, nanalo sila ng mga medalya sa Exposicion Bellas Artes sa Espanya. Ang kanilang pagwawagi ay nagbunsod kay Rizal upang bigkasin ang talumpating Brindis. Subalit, may madilim ding aspeto sa buhay ni Juan. Mainitin din ang ulo at may negatibong pagtingin sa buhay, at sinalamin ang mga ito sa ilan sa mga sumunod niyang pinta. Malalagay sa malaking gulo si Juan Luna noong 1892, nang patayin/mapatay niya ang asawang si Paz at ang kanyang mother-in-law. Sinasabing sukdulan na ito ng naipon ding insecurities at pagseselos ni Juan sa mas mayamang asawa, sa gitna din ng inaakala ni Juan na di matapat sa kanya ang esposa.

Di lamang sa mga bayani, heto ang suliranin sa paggunita. Alin ba ang mas pipiliin natin: ang iilang positibong pangyayari o ang mas marami, at mas bumabalik-sa-gunita na mga di kanais-nais na events?

Gaston Park, CDO City

ASTONThe place was the site of a battle in April 1900, when Filipino forces led by Bulakenyo-turned Kagay-anon Nicolas Capistrano tried to dislodge American forces encamped in the area. The attack was known as Battle of Cagayan de Misamis and the second of three battles between Filipinos and American invaders in the area, with the last one actually a victory for the Filipinos.

MEMA 05-08-2019 FIL-AM WAR

Sa panahong nahahati-hati tayo dahil sa pulitika, sampalataya, dila at iba pa, mainam na balikan ang mga pagkakataon na tinatangka nating maging mas united. Halimbawa noong Fil-Am War. Maraming di naturo sa mababang antas ng paaaralan, at baka kulang pa ang panahon sa kolehiyo. May mga mababanggit lang akong tatlo, sa ngayon

A.) Pagtaguyod ng mga Tagalog sa Rebolusyon at pagtatanggol laban sa mga Amerikano sa Kabikolan at Kabisayaan. Makikita ito sa mga katulad nina Vicente Lukban (na tubong Labo Camarines Norte), Ambrocio Mojica (na isang Cavitenyo at nadestino sa Leyte upang masangkot sa isang power struggle with Lukban), Pantaleon del Rosario (na taga Imus Cavite at sinasabing may dugong Scottish at kamag-anak ni Emilio Aguinaldo) na kasama sa mga pangunahing manghihimagsik at opisyal ng mga Pilipino sa Cebu atbp. Maaaring pag-isipan bakit sila tinanggap ng mga Bikolano at Bisaya sa kabila ng pagiging dayo nila at ang minsang pinalaganap noong propaganda ng mga Kastila laban sa mga Tagalog.

Pero di rin naging smooth ang ugnayan ng ibang Tagalog sa mga manghihimagsik sa iba pang mga rehiyon, gaya ng naranasan nina Ananias Diokno sa Panay at Daniel Tirona sa Cagayan.

B.) Labanan sa Perikuhon, Leyte noong Abril 26, 1900, na isa sa mga huling balwarte ni Mojica matapos ang patuloy na pag-lunsad ng mga Amerikano mula Takloban, Dagami at Burawun. Si Manuel Artigas y Cuerva ang may salaysay sa nasabing labanan. Buong araw ang labanan sa nasabing kuta, na nasa mabundok na lugar at nilagyan ng mga Pilipino ng mga trinchera. Natalo ang mga Pilipino dahil naubusan ng mga bala at naikutan din sila ng mga Amerikano.

C.) Ang pagtungo ni Rufino Delloso mula Leyte tungo sa lalawigan ngayon ng Misamis Occidental upang pangunahan ang paglaban sa mga Amerikano doon, Tinangka pa niyang kunin ang suporta ng ilang datung Maranao subalit nabigo siya

Naniwala sila sa isang ideyal, kahit noon-at hanggang ngayon- mukhang imposible itong makamit . Ano kayang circumstances ang maaaring magpaulit dito o ang muli tayong mas pabuklurin HABANG di naman binabalewala ang unique nating mga katangian.