FOOTNOTES TO SOME OBSERVATIONS

Yes, it’s easy to be Tadeo in a time when all those who prevail in our times are the Juanito Pelaezes, the Salvis, the Damasos, Kapitan Tiagos and the like. It’s easy to be a Basilio more focused in finishing studies than of being concerned with one’s society. It is understandable when all the dreamers have mostly failed or have seen their ideals reduced in effect. It is understandable when one sees that the earlier generations could not do more than make token and some slight changes in society. There are times that I myself have been entertaining these thoughts.

The problem with Filipinos is we like to have change but not to work hard for it. The problem with other Filipinos is they are selfish, thinks only of the present or of their own class, clan, or region. If they have the material capacities, they will utilize them to the hilt to further their own ends. On the other hand, the less privileged ones, because of poverty, a sense of abandonment, and lack of discernment, would rather not think of the country at large and of the welfare of others.

****

But then, what is the alternative? For now, the things that you feel you can do, and enjoy best. Gaming .KPop. Food binges. Etc. Or, for the more serious, finishing studies in the hopes of eventually working and helping for one’s family.

***

A reminder though: we can detach ourselves from society to a certain, and large extent. But not completely. We do not live in a vacuum wherein we can separate ourselves from others. Some of you may even ask: what’s the point of Philippine nationalism? Why do you we still have to love our country that can’t love us back?

***
My challenge to you is this. You can start doing new ways of appreciating our country through the means that you know best. Or through the field that you wish, and working on, to eventually become part of. Yes, you are correct that much of the older ways and values of loving our country has been made irrelevant, with all the evils this country has seen. But I would want to believe that we can still put some hope a little hope. On the other hand, real talk, can you imagine yourself not having a nationality or cultural roots to go back with? We can figuratively vomit with the negative concerns of our country, but can we really disown her? Let’s stop and think.

***
Oblation is not only a statue or a symbol of an annual run. It means “sacrifice,” “offering” to a cause greater than you. Family, can be one, since it is central to our culture. But we can, we have to, go beyond that. if we fail to do so, we seem to go back to prehispanic and colonial times when we only pay loyalty to our regions and families.

***
As UP students, you can, and you ought not only to be proud of an esteemed (but oftentimes criticized) institution. You have to live the life, walk the talk, of being “Iskos” and “Iskas.” And you have to realize there’s life outside Silangan and Kanluran or Lopez roads

Advertisements

MGA TALABABA SA ILANG MGA PUNA

Oo. Madaling maging mga Tadeo sa panahon ngayong ang mga umiiral ay mga Juanito Pelaez, mga Salvi, mga Damaso, mga Kapitan Tiago at iba pa. Madali ring maging isang Basilio ang tanging sinusuliranin ay ang pagtatapos ng pag-aaral kaysa ang mga problema ng bayan kahit siya mismo ay apektado nito. Mauunawaan ito sa paggugunitang pawang nabigo ang mga minsang nangarap para sa ikabubuti ng bayan na nakitang nabawasan ng bisa o nabaluktot ang dinadalumat nilang mga panaginip. Mauunawaan ito sa pagkabatid na di rin malalim ang pagtatangka ng naunang mga henerasyon na baguhin ang lipunan.

Isang sakit ng mga Pilipino ang maghangad ng pagbabago pero di ito pagsusumikapan . Ang problema naman sa ibang mga Pilipino ay makasarili sila, iniisip lamang ang ngayon, o ang kapakanan LAMANG ng sariling uri, angkan/pamilya, rehiyon. Kung mayroon naman silang kakayahang materyal, kanilang gagamitin naman ito nang lubusan para sa sariling mga interes. Sa kabilang banda, ang mga kapus-palad o maski ang di masyadong mayaman, dahil sa kadahupan ng salapi o kakayahan, may nararamdamang iniwanan na sila ng gobyerno o ng mas mapalad sa kanila, at kawalan ng kakayahang magsuri talaga, ay tanging sarili na lamang iisipin, kung paano kikita at mabubuhay sa araw-araw.

****
Kung gayon, ano ang alternatibo? Sa kasalukuyan, ito ay ang pag-enjoy sa mga bagay na kaya at gusto niyong gawin. Gaming .KPop. Food binges. Atbp. O para sa mga mas seryoso, ang pagsusumikap na makatapos upang makapagtrabaho na at makatulong sa pamilya.

***
Ngunit, isang paalala: maaaari nga tayong mag-detach sa lipunang kinabibilangan. Subalit, hindi lubusan. Wala tayo sa isang vacuum na maaari nating maibukod ang sarili sa iba. Magtatanong naman ang iba sa inyo: ano pa ba ang halaga ng nasyonalismong Pilipino? Bakit kailangan pa nating mahalin ang bansa, ang bayang di kayang isukli ito?

***
Ang hamon ko sa inyo ay ganito: Maaaring magsimula kayo ng bagong paraan ng pagpapahalaga sa ating bansa sa mga paraang alam na alam ninyo. Maaari ring sa mga larangang nais niyo, at siya namang pinagsisikhay niyong maging bahagi . Taman naman ang puna ng ilan sa inyo na hindi na akma sa kasalukuyang konteksto ang mga dating paraan at halagahin sa pagmamahal ng bansa, lalo pa sa dami ng suliranin sa Pilipinas. Subalit, ginugusto kong isipin na pupwede pang maglagay ng kahit kaunting sinag ng pag-asa. Sa kabilang banda, realtalk, naiisip niyo ba na ang mga sarili niyong walang nasyonalidad at mga kulturang ugat na maaaring balikan? Marami tayong sinusukang bagay ukol sa Pilipinas, pero kaya ba nating itatwa siya? Huminto tayo at magnilay-nilay.

***
Hindi lamang rebulto o kinasasabikang pagtakbo ang Oblation. Nangangahulugan itong “sacrifice,” “offering”, “pag-aalay,” o sa Cebuano, “pahinungod,” para sa isang pinaglalabang kausa. Pamilya, maaari sapagkat sentral ito sa ating kalinangan. Subalit, huwag tayong magpapalimita doon o sa rehiyon, kasi maaaring binabalik lamang natin ang prehispaniko o kolonyal na pagkahirati LAMANG sa rehiyon o angkan.

***
Bilang mga estudyante ng UP, marapat, at maaari niyong ipagmalaki ang pamantasan bilang isang tinitingala, bagamat pinupulaang institusyon. Dapat isabuhay ang mga natutunan niyo bilang “Isko” and “Iska.”

Mayroong buhay paglabas ng mga daanang Silangan, Kanluran, Raymundo, o Lopez.

MEMA 4-15-2019: Ang Pagdating ng Himagsikan sa Kabikolan

Isa sa mga di pa rin masyadong nababanggit na episode sa resumption ng Himagsikan ay ang nabigong pag-aalsa sa Daet, Camarines Norte, mula Abril 14-17, 1898. Pinamunuan ito ni Ildefonso Moreno at sinasabing may mga kasapakat na ibang principalia sa nasabing pueblo, na noon ay isa sa pinakamaunlad sa Kabikolan. Dapat sana ay malulunsad ang pag-aaklas sa tulong ng ayuda mula sa iba pang manghihimagsik Pero noon di nakarating ang nasabing tulong, sinimulan na nina Moreno ang pag-aaklas. Ayon sa manunulat na si Elias Ataviado, nilusob ng mga manghihimagsik ang bayan. Dahil di man lang nagtago o naging maingat sa kilos ang mga lumusob, nagdulot ng takot ito sa mga mamamayan ng pueblo. Nabigyan ng babala ang mga Kastila kaya nakapaghanda sila sa pag-atake. Matapos ang ilang araw na labanan, nagapi din ang mga rebolusyaryo at napatay ang marami sa kanila, kasama ang liderato ng manghihimagsik.

May ilang nadakip ang mga Kastila ngunit kanilang papatayin din nang sila ay tumakas mula sa paglaon ay pagdating ng ekspedisyon ni Vicente Lukban mula Tayabas.

Gayunman, bagamat kabiguan ang pag-aalsa sa Daet, isa ito sa mga senyal ng pagpasok ng Himagsikan sa Bikol. Masasabing climax dito ang pag-aalsa sa Nueva Caceres (Naga), noong Setyembre 18-19, 1898 sa pamumuno ng magkatuwang na mga Pilipinong Guardia Civil, Elias Angeles (tubong Pasig na nadestino sa Bicol) at ang Bikolanong si Felix Plazo. Magugupo naman ang mga Kastila at kanilang isusuko sa mga manghihimagsik ang isa sa mga sentro ng kapangyarihang Kastila sa Bikol.

Some memories of a weak tremor

With yesterday’s tremors, I remembered my experience with one last year. It was far weaker, but still enough to literally shake us in the area. It was a Saturday afternoon, and I was in the FEU Library third floor, Filipiniana section, doing my post classes reading. I had been sitting in that section’s faculty area, which overlooks the rest of the campus. Was drowsy at one point but then I felt something’s moving. For some seconds, seems like 2-4 seconds. Then I stood up and checked the rest of the library; a guard came in and said, yes the earth shook. Some minutes later, classes were suspended later in the campus.

I remember talking with kuya guard, who checked in this section of the library, about the possible scenarios if a far stronger quake hits Morayta. Where will be the evacuation areas, considering the campus surrounded on all sides by buildings, posts, buildings, roads, How will people move out considering that LRT and other transport services may be disrupted. etc etc.

And now some of our concerns have appeared already.

ANG IMPERYO

(Matapos ang ilang Star Wars movies)

Dahil wala nang puwang ang mahihina.Sapagkat mahina’t humahapay na rin naman ang Republika. At ano namang masama kung palitan ang sistema ng pamahalaan sa kalawakan? Di ba’t maiging magkaroon ng iisang pagkakakilanlan ang lahat ng planeta rito? Mapa-Naboo man o Tao, Gungan man o Wookie, lahat tayo iisa. Tignan: mga Storm Troopers, sumasabay sa martsa, di sumasaway sa mga utos. Kailangang umunlad ang kalawakan. At ang Sith lamang ang kaligtasan.

Huwag nang pakinggan ang mga Amidala’t Obi Wan Kenobi. Sila’y mga bulong na di nakakatulong at marapat patahimikin. Umangat ba ang inyong buhay sa mga payo ng mga Jedi?

Mamatay na ang Republika! Mabuhay ang Imperyo! Ubusin ang mga tumutuligsa rito; siya nawa, kanilang matitikman ang bangis ng Death Star.

 

MEMA 03-01-2019 (1)

Mahalaga ang mga pamahalaang lokal sa ating kasaysayan: gaya ng barangay at munisipyo/lungsod. Bagamat madalas hindi nababalita ang mga “ganap” dito unless may sensational na kaso ng korapsyon o krimen, sa antas na iyon unang nagtatagpo ang mamamayan at ang gobyerno. Halimbawa, sa baranggay. Kapag may nang-agrabyadong kapitbahay o dayo, saan ka tatakbo? Kapag kailangan ng sedula para sa kung anong employment purpose, saan ka pupunta? At sa baranggay din makikita agad kung sino ang mga makapangyarihan at maimpluwensa. (Magandang pag-aralan din ng mga mananaliksik sa political science at public administration kung paano nakakaapekto ang impluwensa ng ilang indibidwal o grupo sa pagpapatakbo ng mga baranggay. Halimbawa, kung malakas sa baranggay ang nagpapaupa ng mga videoke, huwag asahang magpapasa ang barangay ng ordinansa na maghighigpit sa gamit dito. Pag ganoon, eh di magtiis ka na lang sa pagsasalaula ng mga awiting gaya ng “My Way,” hehe).

Pupunta ka naman sa munisipyo o lungsod para sa mga transaksyong mas komplikado. Halimbawa mga buwis.

***

Noong panahon ng Kastila, tanging sa antas ng baranggay / cabaceria at pueblo nakalahok ang mga indio. Partikular na ang mga principalia. Siyempre pa, dahil wala pang party system noon, nahahati sa mga paksyon ang mga principalia. Naglabas naman ng mga batas ang mga Kastila noong 1600s at 1700s hinggil sa pamimili ng mga principaliang maaaring mahalal sa mga barangay at pueblo. May mga kaso, ayon sa mga historyador, noong 1600s na mainit na iringan sa pagitan ng mga principalia, kaya nilimitahan ang mga maaaring lumahok dito (partikular na sa gitna at timog Luzon). Ngunit higit lang magiging pormal ang partisipasyon ng mga principalia gawa ng Batas Maura noong 1893: itinakda nito ang pinakabatayang edad kung kailan pwedeng tumakbo bilang cabeza de barangay at capitan municipal (pamagat na pumalit sa gobernadorcillo). Nagtakda rin ang batas na iyon ng mga kahingian hinggil sa income at property na dapat taglay ng mga nagnanais tumakbo sa nasabing posisyon, at sino-sinong kasapi ng principalia ang maaaring maghalal sa kanila.

Magpapatuloy for some time ang ganoon kakitid na kalakaran sa panahon ng Malolos Republic at kahit noong panahong Amerikano. Bagamat for the first time makakalahok na rin sa provincial electoral politics ang mga principalia ng mga bayan sa Pilipinas. (Noong panahon kasi ng Kastila, mga Espanyol lamang ang namahala sa mga “provincia;” mga alcalde sa mga alcaldia at mga gobernador naman noong nabuo na ang mga probinsiya noong siglo 19). Naudlot man, ang Malolos Republic ang unang pagkakataong nagsama -sama ang mga delegado mula sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas para magbalangkas ng ilang batas. Mas masusustenar ang ganitong pakikilahok sa isang batasan sa Philippine Assembly at paglaon-dahil sa Batas Jones-sa Senado at House of Representatives. Kaya noong panahon ng Amerikano, mas napasok sa wider political system ang mga pamahalaang lokal in terms of patronage at sources ng pondo.

MEMA 3-24-2019

Isang kabalintunaang hindi na masyado nakikilala ang kasaysayan ng Mactan island, bagamat isa sa mahahalagang pulo at pook sa kasaysayan ng Pilipinas. Matapos ang “kadaugan sa Mactan” o ang pagwawagi ng ilang Cebuano sa pamumuno ni Lapulapu, wala na sa kamalayan ng maraming Pilipino at sa mga naratibo sa ating kasaysayan ang nasabing isla. Hindi rin masyadong nababanggit ang mga kwentong folk, pinakatampok ang naisulat ni Jovito Abellana, tungkol sa mga magulang ni Lapulapu at ang mga kapangyarihang taglay ng mga datu sa sinanunang Mactan (gaya ng sa Maribago etc). Bagamat natalakay na ang isla ng ilang historyador mula Cebu, at nabanggit na sa isang masteradong tesis (na mukhang unpublished), di naman masyadong nababanggit ito sa mga diskurso sa social media at Internet, maliban sa mga pahina at website para rito.
***

Bagamat di rin masyadong kilala sa labas ng Cebu, at dahil mas tanyag ang pagdambana sa Santo Nino, kilala ang Mactan (lalo ang bayan ng Opon) sa debosyon sa Nuestra Senora de la Regla. Sinasabing pinakilala ito ng mga Agostino sa mga taga Opon noong 1735 at ang pinakaugat ng debosyon ay pinasimulan umano ni San Agustin, ang isa sa mga kinikilalang Duktor ng Simbahang Katoliko. Noong 1736, pinaniniwalaan ng mga taga-Opon (lungsod ng Lapulapu ngayon) na niligtas sila ng Birhen mula sa pagsalakay ng mga balang, na tumama rin sa katawid na isla ng Cebu. Magpapatuloy naman ang debosyon hanggang sa kasalukuyan.

***
Madidiscuss naman ni Resil Mojares ang kasaysayan ng Mactan noong panahon ng Amerikano sa isang artikulo tungkol sa kontrobersyal at “kups” na Amerikanong opisyal na si Dean Worcester. Ayon kay Mojares, nagtatag ng isang malaking coconut processing business si Worcester sa Opon noong 1916 at nagbigay ng hanap-buhay sa mga taga-roon. Bagamat nagsagawa ng mga negatibong propaganda ang mga kalaban ni Worcester (gaya ni Sergio Osmena) at nagtatag pa ng karibal na planta si Vicente Madrigal, nagpatuloy lang si Worcester sa kanyang empresa doon. Nagbigay din ng magandang working conditions at mga makabagong pasilidad si Worcester sa nasabing planta, gaya ng “model village” para sa mga manggagawa ng planta.Noong 1920, nageempleo pa ang planta sa Opon ng 1,200 manggagawa. Subalit, madadamay ang pasilidad sa salanta ng WW2 at di na ito naitayo muli.

***
Ang hindi pa nababanggit sa mga diskurso sa labas ng akademya ay ang mga tagong kwento sa paggawa ng tanyag na airport sa Mactan, na siyang pumalit sa lumang paliparan sa upland na distrito ng Lahug sa Cebu. Pinasimunuan naman ni Mayor Serging Osmena, Jr, ang paglilipat ng paliparan sa panahong mas nagiging congested ang siyudad sa Cebu,

***
Nadamay din sa 1989 kudeta ang Mactan, nang harangan ng mga sundalong kasapi ng RAM-SFP-YOU ang tulay na umuugnay sa isla at sa Cebu, bukod pa sa nakubkob nila ang airport at katabing Benito Ebuen airbase. Nagkaroon ng standoff hanggang sa makumbinse ang lider ng mga rebeldeng sundalo na sumuko.

***

Marami pang dapat tignan sa kasaysayan ng isla, halimbawa ano ang pagbabago sa kapaligiran nito lalo at madalas itong sentro ng mga proyektong pang-imprastraktura.

 

 

 

PAGHUHUNOS

(Matapos ang Noli at El Fili ni Rizal)

IBARRA
Tinangka niyang tanglawan,
Maliwanagan ang bayang
Pinagmulan at nilisan:
Itong San Diego n’yang mahal.

 

Ngunit, nakaririmarim:
Makapangyarihang dilim.
Nilulukob na ng lagim,
Ang kanyang mithi’t hangarin.

 

PANATA NI SIMOUN
Sapagkat hari ang lakas,
Kailangang gamiti’y dahas.
Mga inapi, umaklas.
Dugo’t hikbi ay aagos.

 

ANG LAMPARA
Dunong ang sinasagisag
Ilaw sa mga bagabag.
Ngunit, maaring umandap,
mabasag at mapangwasak.

 

KONTRA-BIDA THOUGHTS (2)  

Minsan silang sumikat nang saglit. Di man tanyag ang kanilang mga pangalan o guwapo ang mga mukha o makisig ang dating, ng tulad sa mga bida, kasama sila sa pelikula. Kailangan sila ng mga bossing na sumisimsim ng alak sa sala ng mansyon at nag-aantay ng balita ng pagdating ng “pektus” sa piyer.  Kailangan nilang gampanan ang papel sa salida: mga goons na humahawak ng armalite at nagbabantay ng kargamento, nanghahalay ng nobya ng bida, nagpapahirap sa bida, lumulusob sa bangko, nakikipagbakbakan sa bodega o sa barko. Noon pa’y hindi naman masyadong naalala ang kanilang mga pangalan, maliban na lang kung kasimbrusko nila si Paquito Diaz, kasinghayok sa laman ni Jeorge Estregan, o kasimbagsik ni Bomber Moran.  Ngayon, naaalala ulit sila pag napapanood sa bus o sa karinderya (o minsan sa bahay) ang kanilang niluluma nang obra. Kapansin-pansin: ang wagas nilang pagsunod sa bossing. Kapansin-pansin: sila ang unang kinukuha ng karet ni Kamatayan. Walang silbi ang M16 nila sa kutsilo at bala ni Lito Lapid o pistol ng mga tulad nila Phillip Salvador or Eddie Garcia. Una silang masasabugan ng granada o tumilapon mula sa gusali. At sa credits na lang makikilala kung sino-sino silang mga alipores. Ngayon nasaan na ang mga goons? Malay mo, drayber na sila ng bus na masasakyan o nasakyan mo na? Malay mo, natokhang na at labis na di na kilala ang minsang naging karera. Malay mo nagSaudi o nagDubai. Aba malay na natin sa mga kuwento nila! Malay din nila sa mga tulad nating naakit, nanggagalaiti sa mga papel nilang sirain ang kabutihan sa mundo ng gawa-gawang pananaig ng kabutihan sa wagas na kasamaan.

KONTRA-BIDA THOUGHTS (1) 

Natatawa na lang ako sa mga nangyayari sa aking buhay. Mukha akong tanga na ngumingiti at umiiling habang mag-isang umiinom ng Pale Pilsen dito sa IBP.  Naka-limang stick na ako ng barbecue, order pa kaya ako? Kay dami pa naman ng tao ngayong mag-aalas-9 na ng gabi. Natatawa ako kasi paano ba naman, sinubukan kong maging mabuti, sinunod naman ang karamihan ng mga utos ng mga magulang ko, ano ang aking napala? Bata pa kami, laging nagsisismba, di nagmumura, o hindi namin pinaparinig kina Mama at Papa na nagpi-P.I. kami,  laging nagfifirst communion, nood lagi ng Ten Commandments pag Semana Santa. At kung anu-ano pa. Hindi kami naglalaro ng computer games pagkatapos ng klase. Diretso sa bahay para mag-aral o tulog na. Akala naming giginhawa ang buhay pag ganoon lang. ang ginagawa Hindi pala. Natatawa ako, habang nilalasap ang papait at papainit nang serbesa. Natataon ding naalala ko ang pagbagsak ng pamilya nila Papa: naospital ang Lolo, naubos sa sugal ang pera nila Papa at Tito, may away pa sila sa mga pinsan doon isa isang paaralan nila sa Bikol. Pinaaral man kami sa UST, lagi na lang utang si Papa sa mga kaibigan. Kaya di rin ako makalabas-labas kasama ang ibang mga barkada. Sa halip pag walang ginagawa, laging nasa library ako, hanggang sa magsawa ang aking mga mata sa kababasa. Noon din nagsimulang magtabang ang pananalig ko sa pinamulat sa aking pananampalataya. Nabasa ko pa ang mga pagkamkam ng mga prayle sa mga lupain sa Luzon, at paano nila pinasunog ang mga ereje sa Europa, kaya lalo akong lumayo sa Kristong nakapako sa Krus.  Ay papaubos na pala ang beer, isa pang bote kaya orderin ko? Marami pa akong dapat isipin, isang muling pagnilay bago ako magbagong-buhay bukas. Simula sa araw na darating, lilihis at lilihis na ako sa mga turo ng pamilyang kinagisnan. Pati apelyido nila, kakalimutan ko na. Pwede na siguro akong ngumit kahit papaano, ngiti ng maliit na tagumpay.  Putang ina, ang sarap sumuway!