Hulyo 4, 1946

NGAYON SA KASAYSAYAN: (1946) Pormal nang nakamit ng Pilipinas ng kalayaan mula sa Estados Unidos. Ayon kay O.D. Corpuz, nagkaroon ng isang seremonya sa Luneta isang umaambong umaga na kung saan binaba ang watawat ng Estados Unidos at itinaas naman ang bandila ng Pilipinas. Dinaluhan ang naturang seremonya ng mga beterano ng Himagsikan at mga matataas na opisyal ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Sa araw na rin ito nanumpa si Manuel Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika.

Sa petsa ring ito ay nakipagkasunduan ang pamahalaan ng Pilipinas sa Estados Unidos upang baguhin ang mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935 na naglilimita sa mga Pilipino lamang ang karapatang gamitin ang mga yamang-likas ng bansa. Sukdulang aabot ang naturang kontrobersya sa sumunod na taon sa mga mainitang debate ukol sa Parity rights, ang pagkakatanggal sa Konggreso ng ilang bagong halal na mambabatas dahil umano sa paggamit ng dahas sa halalan, at ang pormal na pag-apruba sa panukala sa isang plebisito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s