PREPANDEMIKO BERSO: TAKEOFF

(Larawan sa ibaba ay kinunan, 2016)

TAKEOFF
1.)
Bumibingit sa pagmangha
Pangamba, pagpaubaya,
Ang pagsipat sa bintana:

Nakakalula ang taas.

2.
Natatanaw ang luningning
Ng Maynilang iiwanan

Muna. Bubog na makinang

Ang huli mong pangitain.

Mag-iwan ng puna