Para saan pa ba, ang pagsesenti, kung natapos na ang mga pangyayari, lumisan na ang mga tao, o nagbago na ang mga pook?
Create memories daw? Para maipon sa Facebook o Instagram. Para may babalik-balikan.
Mabuti sana kung kasindali ng pagscroll up at down ang pag-aalalang ito. Hindi.
Maaari: inaapuhap ang minsang nariyan, para mapunan ang matagal-tagal na ring nabasyo nang sisidlan ng saya, lugod, luho. At, maaari rin: ligaya.