“CLASS ANALYSIS.”
Mas tamang sabihing batch analysis, or cohort analysis kung demograpiya ang pagsasaligan. Iyon bang matapos ang ilan mong panimulang pagsusuri or muling pagsusuri sa lipunan at mga uri na bumubuo nito, kailangan namang suriin ang pinanggagalingan class or batch noong hayskul (muna). Sinasabing means of socialization ang paaralan at mas makikita ito sa mga gawi at mga kilos na nahulma. Pinili ko ang hayskul dahil masasabing ito ang formative years, di lamang sa mga magiging tropa mo, pero sa mga magiging karanasan mo sa labas. At hanggang ngayon, ramdam pa rin ang mga epekto nito sa mga naging bahagi ng nasabinfg batch. Kumbaga sa akademya, qualitative ang approach ko rito, ibig sabihin batay sa mga karanasan at obserbasyon ang babanggiting mga detalye.
Tulad sa labas, may hierarchy sa paaralan; in terms of intellectual achievements, social status, at yung dating sa iyo ng ibang ka-batch. Kaya mahirap buwagin ang pag-uuri sa lipunan kasi sa paaralan pa lang (at least in my case sa private school) kasi institutionalized ito. Mahirap maimagine na wala nang section-section sa lahat ng schools (unless may himalang maoverhaul ang K+12 at bawasan pa ang diin sa points as measures of excellence). May cream section, tapos may mga secondary sections. Now, di naman lahat ng matalino sa batch ay sa cream section napupunta, it’s just that di lang sila nakameet sa expected grades na kailangan upang makapasok sa nasabing section. May iba namang napapadpad sa lower sections. At oo, mapapansin ang “alta sosyedad” mentality, di lang sa cream section pati sa ibang mga section. Sila yung mga kumbaga ngayon ay party animal, life of the party, mga suki sa lakwatsa, may bagong napupuntahang “ganap.” Sila yung makikita mong nakatambay sa halimbawa, canteen, park, o corridor, kasama ang mgha tropa, nagkukuwentuhan o nagpaprank sa dumaraang estudyante. Lagi’t laging laman sila ng mga kuwento at tsismis. Kulang na lang mafeature sa school paper!
Siyempre, mayroong nasa ibaba ng nasabing paghahanay o hierarchy. Maaaring sila yung mga silent type, nerd o geeky type, o bagamat may potensyal sa katalinuhan, di lamang napapansin o nagpapapansin. Iyong iba, madalas sa library tumambay, may sariling pagtutuklas na ginagawa, habang ang ibang mga kabatch ay nagpapatintero o nagbibiruan o nantitrip. Ang iba naman, kontento nang kasama ang tropa pero ayaw namang masyadong visible sa iba, so doon sila sa kasulok-sulukan ng classroom o ng quadrangle o ng canteen. Sila yung tipong maaalala mo na lang ulit after a decade kasi di mo sila masyadong nakakainteract noong nasa hayskul pa kayo. At sa totoo lang, mas madaling mabully ang iba sa mga lower layers ng high school hierarchy na ito. Dahil kulang sa dating o di masyadong aggressive, madali silang pagtripan, o makursunadahan ng mga bully. Kukunin ang mga gamit, aasarin sila dahil sa amoy o mukha, gagaguhin o may physical aggression nagaganap. Reflection sila ng strong man mentality ng Philippine culture and society. Kaya siguro if nabully ka noong hayskul at nalagpasan mo or nakabawi ka sa kanila eventually, in a way pasalamat ka rin sa ganoong experience. Kasi mas masahol ang buhay sa labas, at walang guidance counselor or adviser ang tutulong sa iyo. Though siyempre ideal kung wala nang “cupal” sa mundo di ba, sa loob man o labas ng hayskul mong nagawi. Marami pang puwedeng sabihin about hayskul, pero mukhang nasasapat na ang mga ito. PS: Based on actual experience and observation ang mga puntos na ito.