Nakakagulantang ang sunod-sunod na mga rally at pag-aalsang nangyayari ngayon sa Gitnang Silangan. Mula sa pagpapatalsik sa pangulo ng Tunisia-na nagsimula lamang sa pagpapasunog ng sarili ng isang jobless na Tunisian na lumaon ay humantong sa marahahas na demonstrasyon-hanggang sa halos tatlong linggong mga protesta sa Ehipto(na nagpaalis kay Hosni Mubarak, nasundan pa ito ng ilang mag developments ngayong weekend. Habang nagrarally ang mga Shiite na demonstrador sa Manama, Bahrain, kasalukuyang binubuwag ng mga sundalong Libyan ang mga demonstrador sa lungsod ng Benghazi. Balita ko’y may mga demonstrasyon din sa Algeria, Kuwait at Yemen.
Nakakagulantang ang mga pangyayaring ito dahil hindi namang inaasahang mangyayari ang mga demonstrasyong ito na pinagdausan ng mga karaniwang mamamayan. May nabasa akong komentaryo na nagpapahayag na ang mas kinatatakutang snahi ng destabilisasyon sa Middle East ay yaong mga extremist groups paris ng Al Qaeda. At dalawa nang pangulo ang napatalsik. At hindi lamang basta mga pangulo, kung hindi mga lider na matagal nang namuno sa kanilang mga bansa.
Ano naman ang relevance o kahalagahan ng mga pangyayaring ito sa ating bayan? Kung iisipin, nangyayari pa rin ang mga rally na ito samantalang malapit nang ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power 1. Taliwas naman sa mga “rebolusyon” sa Gitnang Silangan sa ngayon, tahimik at hindi marahas ang People Power Revolution. Gayunman ay napatalsik ang matagal nang namumunong pangulo noon na si Ferdinand Marcos.
Subalit, marami bang nabago bukod sa mga pangalan at pangyayari?
Pag-isipan kaya natin ang mga “pagbabagong” iyon.