PATUNGKOL SA HALALAN AT ISANG TULA

Apat na buwan na lamang bago ang Halalan. At may isang tulang isinulat mga 100 taon na ang lumipas (1916) na nagpapakita na noon pa man, isang umaatikabo (at maalingasngas) nang gawain ang pakikilahok ng mga pulitiko (at pati na ng ilang mga botante) sa mga eleksiyon.

 

Sa mala-pabulang “Piniliay sa mga Isda” (“Halalan ng mga Isda”), isinumpa umano ni Bathala ang mga isda (at mga ituturing ng agham na crustacean) dahil sa labis nilang kaguluhan nang magdaos ng eleksiyon. Isinumpa dahil hindi na umano sila makararating sa kalupaan, hindi na matatanaw ang langit, at doon umano na sila sa kailaliman ng dagat maninirahan. At bakit di sila paparusahan? Umabot na sa punto na nagkakagatan na ang mga “Kasag” (“Alimasag”) hanggang sa mabali na ang kanilang mga sipit. Sinipa ng “Bugo” (isdang naninirahan sa korales”) ang Agukoy (maliit na alimasag) dahil sa parunggit na ang una lamang ang nararapat maging sakristan. Nang magmungkahi ang Pugita na magprotesta laban sa maruming kinalabasan ng halalan, nilait siya ng isang isdang-bato (“Timbungan”) sa pagsasabing mas bagay lamang siyang pulutan dahil wala naman siyang alam sa pulitika.

 

Ilang daang taon na tayo naghahalalan. Dumami man ang mga botanteng nakalalahok, parang hindi naman tunay na boses ng bayan ang umiiral. Higit pang malakas ang kalansing ng salapi at, lalo na noong mga dekada 50-90, at hiyaw ng Garand o Armalite. Ano kaya ang sumpa ang nag-aabang sa atin kung sakaling “ang dating gawi’ ang umiral sa botohan.

 

Abangan na lang ang Mayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s