PISO

Madalas itong nababalewala,

Dahil nag-iisa

Dahil wala nang halaga,

Sa panahong kulang ang isang kamay

Upang masukat ang dami ng zero ng

Sweldo ng isang manager

O gastusin,

Ng mga bukod-tanging anak ng mga diyos.

Ano pa ba ang mabibili nito,

Maliban sa kendi?

May pagsisidlan pa kaya itong telephone booth

Upang makatawag ka sa oras ng biglaang pangangailangan?

“Wala na nga, wala,”

Ang silbi

Nitong hamak na piso?

 

Kailangang likumin ang mga katulad

Nito.

Kapag nag-iisa: walang itong tinig

At tila wala ring kuwenta.

Subalit,

Kapag pinagsama-sama:

Lumalakas ang kanilang kalansing

At hindi basta-bastang naihuhulog sa bangketa,

O kinakaligtaan sa bulsa.

 

Subalit, may mga pagkakataong

Hinahanap-hanap kahit ang nauulilang piso.

Sa mga pagkakataong gumaan nang husto

Ang bulsa

At nanghihingi na ng kabayaran ang drayber o konduktor.

At wala kang nakita sa loob,

(Maliban sa mga sentimo.)

At kung wala ka nang magagawa,

Ganito lang masasabi mo sa kanila:

 

“Kulang ng piso, boss.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s