“KEYBOARD WARRIORS”

Mga hindi nakikitang mandirigmang handang ipaglaban

Ang panig na kinakampihan.

 

Nakaumang sila kung sakaling mayroon na namang pakikihamok.

Sa bisa ng isang tipa o pindot,

 

Napapawalan ng makabagong mga bagani’t mangangayaw

Ang kanilang mga salitang kasintulis naman ng sibat o kris.

 

Lulusob sila, kung sakaling may kaaway

Na yuyurak sa dangal ng tinitingalang

 

Mga idolo o tutuligsain

ang pinaniniwalang nilang panindigan.

 

Kapag hindi natinag ang katunggali sa mga inihahagis na pagtatanggol,

Iwawasiwas na ng mga mandirigma ang mga balaraw ng panlalait:

 

Bobo kang mag-comment. Sana hindi ka isinilang ng iyong nanay.

Bumalik ka sa eskwela dahil walang kuwenta ang iyong sinasabi.

 

(Kapag duguang nakahandusay ang kalaban,

Hihiwa-hiwain ng matagumpay na mga mandirigma

ang nalalabi sa pinangangalandakang dangal ng nasukol.)

 

Ayaw magpasindak ng mga mandirigmang ito sa kontra-atake ng katunggali.

Hindi naman sila nakikita, at hindi kaagad nakikilala.

 

Pananggalang ang iskrin,

O ang gawa-gawang account.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s