11-29-2015 (PAGSAULO, PAGKASAWA, PAGHAHANDA)

Dati-rati, sabik na sabik kang magsaulo ng mga pangalan ng mga kilalang personalidad ng kinabibilangan mong bansa.  (Aba! Ang galing nila naman, may maibabandera silang mga pangako para sa bansa, tila nasabi mo sa iyong sarili noon). Tuwang-tuwa ka rin kapag nababanggit mo ang pangalan ng mga lugar at ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa mga pook na ito. Naipagmamalaki mo ang nasabing mga kakayahan sa tuwing may assignment o paligsahan. “Wuhoo!” ang reaksyon mo pagdating sa mga usapin ng current affairs.

Ngayon, umay na umay ka na kapag naririnig ang mga apelyido ng mga kilalang personalidad ng bansa. Same-old, same old, wika nga; mga anak o asawa o pamangkin ng ilan sa mga pangalang una mong narinig noong kabataan mo. Same-old, same-old din ang kanilang mga pinapangakong lunas sa tila hindi na maghihilom na mga sugat ng bayan mong sawi. (Unless, may matinding operasyon, wika nga, upang matanggal ang mga kanser ng lipunan. Higit pa ata sa stage 4 ang mga sakit na ito. Kaya lang, ayaw magpaopera ng Inang Bayan mo, mistulang takot mamatay sa kalagitnaan ng operasyon). Suyang-suya ka rin sa mga pangyayaring nababalitaan mula sa kung saang lupalop ng Pilipinas mong minamahal (krimen, katiwalian, bakbakan, etc). Wala nang bago.  Wala ka ring pagkakataong sumali sa mga paligsahan o magpasa ng mga assignment, dahil matagal mo nang nilisan ang mga klasrum. Pakiramdam mo, “huhu” na kapag naririnig ang mga usapon ng current affairs ngayon.

Magtatapos din siguro ang kasawaan sa mga pangyayaring ito. Subalit, sa palagay mo, matatanggal ang pagkaumay sa gitna ng pinapalagay mong isang parating na unos o sigwa, na tayo mismong magkababayan ay wala nang magagawa.

Kailangan na sigurong gumawa ng silong at mag-imbak ng makakain, para sa inaasahang matagalang pananalasa nito. Tandaan din ang mga pangalan ng mga taong naging mahalaga sa buhay mo sa loob ng nagdaang mga taon. Kailangan mo sila sa inaasahang pagdating ng sigwang ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s