Siyam

Nagpapasalamat sa The Varsitarian, at sa mga taong nakasama at naging kaibigan doon, dahil sa mga multi-tasking, editorial, and people skills na aming nalaman at naisaloob. Halos isang dekada na ang lumipas mula nang una akong pumasok sa nasabing pahayagang pang-kampus. Lumipat man ng silid ng naturang pahayagan, at nagsilipatan na rin ng mga opisinang pinupuntahan, o kursong pinag-aaralan ang mga “Amihan,” laging mananatili ang mga aral na naikintil sa amin ng pahayagang minsan naming naging ikalawang tahanan sa UST.

Tulad ng pananatili, hangga’t maaari, ng mahabang pasensya habang nakikipag-ugnayan sa burukrasya, mapa-pribadong korporasyon man o sa gobyerno. O ang pagsulat nang maayos, sa antas man ng grammar o sa pagpasok ng tumpak na mga datos.

PS

At oo, natutunan ko ang buhay graveyard noong nasa “V” pa ako, gawa ng pagsasaliksik para sa “V” Exhibit at pagsasaayos ng mga issue nito. Pupunta sa opisina, mga hapon o gabi. Tuloy-tuloy maghahanap ng mga back issue ng pahayagan mula dekada 30, hard copy man o “scanned” file na. O mag-eedit ng mga artikulo. Kakain ng “midnight snack” kasabay ng ibang kasama at kaibigan sa pahayagan. Balik sa trabaho. Matutulog, alas kuwatro ng umaga, gigising dalawang oras ang lilipas. Tapos uuwi sa Fa(i)rview.

At oo rin, umaalingawngaw pa rin sa isipan ang paboritong kataga ng aming paboritong taga-payo, sa tuwing nagigitla o may nais idiing punto: ” Dios Meo.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s