Rigor Mortis

“We all are choking the metropolis to death, and may even live to see it die.”- Jose Ma. Montelibano.

Hindi na kailangang antayin
Ang pagbulusok mula sa kalawakan
Ng umaapoy, nauupos na bato,
Upang durugin ang mga kalsadang likaw-likaw
O mga gusaling dikit-dikit nitong Kalungsuran.

Hindi na rin kailangang
Ihulog ng mga eroplano
Ang mga regalong nakamamatay
Kagaya noong huling Digmaan,
Mga pitumpong kalendaryo na ang nagdaan.
(Upang mag-alay ng huling handog
sa malaon nang pagyao ng metropolis)

Hindi na rin siguro kailangang abangang
Ang pag-unat ng ilalim ng lupa,
Ang pagdaloy ng baha,
O paghagupit ng mga bagyo,
Sa itinuturing na sentro nitong kapuluan ng dalita’t luha.

Unti-unti nang pinapatay nito ang sarili.
Ginagapangan ng milyon-milyong metalikong uod.
Sinasakal ng nakalalason nitong hininga,
Inaagusan ng maitim, malapot na dugo.

Antayin ang petsa ng paglilibing
Sa limot,
Sa Metropolis.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s