KALSADA

(matapos “Ang Kalye” at  “Aral ng Talampakan” ni Rio Alma)

Marami itong pinagdaanan.
Araw-gabi, tinitiis lamang
Ang mga paroo’t parito,
Pagmamadali’t paglalakbay,
Pag-alis at pagdating,
Paghahanap,
Paglisan.

At nariyan ito lamang.
Tila ilog na maaaring
Tuwid o paliko-liko,
Sementado man
O aspaltado ang katawan,
Ito ay nakalaan sa sinuman
O anumang
may pupuntahan.

Tahimik lang nitong
Hinahayaang
Daanan
Ng mga gulong,
Malaki man o maliit,
Manipis man o makapal,
Isahan man o magpares,
Gumagapang o sumusulong,
Pasensyoso o adelantado,
Sa matigas at magaspang nitong
Balat.
Nababakbak man
O nagigiba.

Napakikinggan nito
Ang mga salaysay ng mga talampakan.
(Depende sa lapad at laki ng suot-suot na
Sapatos o tsinelas,
Subalit, madalas ding walang sapin
Ang ibang dukhang mga paa).
May mga paang hinahabol ang atas ng oras.
May mga paang sinusundan ang utos ng puso at diwa.
May mga paang makakati at hindi mapakali.
May mga paang napapamahal naman ang isang bahagi nito.
Subalit, hindi nanunumbat, hindi nagsusumbong
Sa tila libo-libo bawat araw na mga mga kuwentong
Nababatid.

Nanahimik , hindi umaangal,
Hindi naninisi, hindi nagsusumbong
Ang kalsada.
Kaya dinadaanan lamang,
Nababalewala. Tila walang hanggan
Ang tigas at gaspang ng balat.
Hanggang dumarami ang mga butas o lubak,
O sadyang binabakbak,
(“Road widening” daw,
Salamat sa mabuting-kalooban ng gobyerno).
At wala tayong ibang magawa,
Kung hindi humanap ng ibang daan.
Nagmamadali man tayo o hindi,
Mayroong man tayong hinahanap
O tinatakasan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s