PANIMULA NG ISANG TINATANGKANG TRAVELOGUE

Oo nga naman, sumusulat / naglalathala / nagpopost siya ng mga sanaysay at salaysay ng mga paglalakbay sa labas ng Kamaynilaan o ng bansa mismo. Dahil may mga kakaiba siyang nakikita kaya ninanais niyang maitala sa mga magasin, website, blog, o Facebook ang mga pagbiyahe niya sa kung saang isla, lumang siyudad, bundok, talon, o dalampasigan?
Kaya, hirap siguro siyang sumulat / maglathala / magpost ng mga sanaysay at salaysay ng mga pagcocommute natin dito, halimbawa, sa Kamaynilaan. Ganoon na ba nakababagot ang kaniyang buhay sa National Capital Region; o sinusuka niya ito nang husto kaya hindi niya kayang maisulat? Labis na mabigat ang panulat nitong biyahero upang subukang itala ang mga napapansin sa paligid. Aniya, mahirap maghanap ng kabaguhan dito.
Subukan kaya niyang mag-travelogue ukol sa Kamaynilaan, hamon niya sa sarili.

#1 Mga Pangalan
Naisulat niya:
Dumaraan tayo sa kasaysayan, araw-araw. O sa mga pananda ng kasaysayan ng malalaki’t makapangyarihang mga tao. Mga tanda ng nakaraan ng, wika ng isang manunulat, ay kaniyang malungkot na republika. Isang malungkot na republikang ilang ulit namang nagtangkang maging malaya.

LegardaQuezonOsmeñaTaftERodriguezGovPascualVitoCruz/PabloOcampoPedroGilMarianoMarcosQuirinoMagsaysay.
Hindi lamang natin namamalayan dahil palaging sinusunod ang utos ng pagmamadaling makapasok sa trabaho o mapuntahan ang inaabangang job interview o ang madalo ang pinapanatang Misa sa Quiapo o Baclaran. Kaya tuloy, bingi ang karamihan sa atin sa mga piping salaysay ng mga kalsadang dinadaanan. (At sino nga pala sa ating buhay ang mga taong ipinangalan ang mga kalsadang ito?)

VicenteCruzAHLacsonMDelaFuenteNAmorantoNRoxasGilPuyatAyala

Kaya’t tila mga pinagbugkos-bugkos na titik ang kanilang mga pangalan. Mga mohon itong sadyang ibininyag sa mga likaw-likaw na ilog ng aspalto at kongkreto ng Kamaynilaan upang, kahit papaano, ay hindi tayo maligaw habang binabagtas ang mga ito.

Nabagot na manlalakbay ang kaniyang mga daliri at keyboard.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s