TRAVELOGUE 12-28-2014

Ikinatutuwa kong nadalaw na ang Rizal Shrine sa Talisay, Dapitan City noong Biyernes. (Itinayo ito upang magsilbing palatandaan sa pinagtapunan kay Jose Rizal.) Dumalaw kami ilang araw bago ang anibersaryo ng pagkakabaril ni Rizal sa Bagumbayan. Tunay na liblib ang pook na kaniyang pinagdestiyeruhan. Nasa paanan ng isang bundok, napapaligiran ng gubat, at kaharap ang dagat. Kaylungkot siguro nga talaga ni Rizal sa kaniyang apat na taong pagkakalagi sa Talisay, Dapitan. Hanggang ngayon, tahimik pa rin ang lugar, may iilan lamang bisita ang kasabay naming pumunta roon. At may nadatnan kaming mga babaeing Rizalista roon, mga apat o lima, na nasa loob ng mga replika ng mga kubo ni Rizal.

Nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Mindanao ang Dapitan. Kapag tinawid ang dagat sa pamamagitan ng ferry, mararating na ang Dumaguete City. Pawang mga inapo ng mga taga-Panglao / Dawis (sa Bohol) ang mga Dapitanon, bagamat mayroon ding mga Subanong nakatira sa naturang tahimik na siyudad.

***
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang eksena ng kapaligiran sa Dapitan, lalo na yaong sa daan papuntang bayan ng Rizal, Zamboanga del Norte. May malapad na ilog na umaagos sa gitna ng masukal na gubat. Nagsisitayugan ang mga bundok. Mga imaheng dadalhin ko babalik sa urban jungle ng Kamaynilaan. Wika nga sa dayalektong Boholanon-na siyang sinasalita sa Dapitan-“i-handuraw nako ining mga eksenang.” (gugunitain ko ang mga eksenang ito).

***

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s