Dalawang Pagdiriwang

Tomasino kang nagpaligaw sa Diliman. Halos limang taon ka na ring nananalagi sa kampus doon ng U.P.; nagsimula sa pag-aaral, ngayon ay sa pagtatrabaho. Subalit, marami ka pa ring dapat magagap na tradisyon doon, gaya ng Lantern Parade. Kaya, noong pumarada kayo noong Lunes ng gabi, mistula kang batang first time pumasok sa paaralan. Minamasdan ang mga taong nakahilera sa mga bangketa at steps ng mga gusali sa may Oval, tulad ng sa Faculty Center, Palma Hall at Malcolm Hall. Tinitignan ang mga parol at float na may iba’t ibang disenyo at gawa ng mga kolehiyo. (Halimbawa, ang malaking ibon na itinanghal ng College of Fine Arts.) Sinisipat ang mga stalls na nag-aalok ng makakakain sa mga nanood at naglakad sa parade. Panoorin kahit saglit ang pagtatanghal sa float ng mga tulad ni Joey Ayala. Nakikipagkuwentuhan sa mga kasama at nakasalubong sa daan. At climactic ang dating, kakain kayo ng mga ka-opisina sa paanan ni Oblation, nagpapahinga, at nagpapapuno ng tiyang ginutom ng paglakad.

Saka mo maaalala ang apat o limang taon mong pagdalo sa Paskuhan doon sa pinagmulang pamantasan sa Espanya, Manila. Mas maliit, at kuwadrado, ang espasyo ng kampus pero may sarili ring tradisyon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Papanoorin ang inilawang higanteng Christmas Tree. Pipila, dala-dala ang mga stubs, para sa libreng pagkain. Uupo sa Main Field, makikipagkuwentuhan, makikipagsayahan. O kundi naman, papasok sa mga opisina ng mga kakilala, pati doon sa kinalahukan mo noong pahayagang pangkampus, at doon makikipagkuwentugan, makikipagsayahan.

At paano mo makakalimutan ang rebulto ng butihing tagapagtatag ng pamantasang iyon? Paskuhan man o hindi, madaanan at madaanan mo ang estatwa, natatawa sa isip sa mga pabirong paliwanag kung bakit nakaduro sa malayo si Miguel Benavides. Limang taon ka ring nanatili o dumadaan-daan sa pinagmulang unibersidad.

Kung babalik ka kaya ng UST, masasabi bang “Kule” kang naligaw naman sa Sampaloc? Makadalaw ka nga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s