ALAY

ALAY

Hindi man niya alam,
Siya’y naging tapat naman

Sa mabigat karima-rimarim na tungkuling
Iniatas sa kaniyang hamak na balikat

Ng banal na hulang nagpapahiwatig
Ng kaliwanagan, kaligtasan

Matapos ang isang pagkakanulo.
Na humantong sa Pagpapapako.

Kaniyang ipinagpalit ang Pantas
Mulang Nazaret sa tatlumpung piraso

Ng pilak.Inihudyat ang nakatakdang pagtataksil
Ng paghalik, pagkalapit

Sa minsang itinuring na mahal na
Guro’t paham, isang mapanglaw na gabi.

Hindi man niya alam,
Na siyang naging kasangkapan

Upang matupad ang pangakong
Kaligtasan sa mga sumusunod

Sa Anak ng Karpintero. Tila nga kasindami
“Ng mga tala sa bituin,” gaya ng sinaunang hula,

Ang nananampalataya sa malaong itinuring Hari ng mga Hudyo.
Habang siya, matapos itatwa na rin ang pabuyang
mga pilak, ay mag-isang nakabigti sa puno.
Kailangan ngang mayroong kondenadong mamatay
Para higit na nakararami ang muling mabuhay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s