NAKARAAN

NAKARAAN
Para itong ligaw na kaluluwa ng isang yumao. Dahil hindi matahimik, paulit-ulit itong umaaligid, sumusunod, nagpaparamdam sa mga taong kaniyang nakatalamitam o nakisalamuha. Kailangang may maipinid nang pintong matagal ding nakabukas. Kailangang may matabunang hukay na matagal na ding nakatiwangwang. Kailangang may maitanim na tuldok na hahalili sa mga tandang pananong o tandang panandam.

“Closure.”

At posible lamang ito, kung handa nating tanggaping tila pagharap sa kamatayan ang pagwakas sa nakalipas na pilit man nating makalagpas ay hindi tayo makaalpas-alpas. Maraming tao ang dapat isakdal-ilitis, bukod pa sa maraming gawi at paniniwala ang dapat itatwa at talikdan. Subalit, pagbanyuhay ang pagtitig sa kamatayang ito kaysa habambuhay na pagiging pugante sa kasaysayan, na pilit tinatakbuhan ay hindi matatakasan.

Umaandap pa ang kandila ng pagluluksa, maiksi man ang mitsa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s