MATAPOS ANG ISANG KUMPERENSIYA

Noong Abril 24-25, dinaluhan ko ang dalawang araw na kumperensiya ukol kina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio sa Ateneo de Manila University. Mahalaga ang mga bago at lumang aral na napagtanto, pati na ang mga puntong naihatid at naipabatid sa naturang pagtitipong pinangalang “Alay at Laya.” Idiniin ang mahalagang papel ni Mabini sa pagtataguyod ng Rebolusyon, hindi lamang sa aspetong militar at pambansang antas, kung hindi pati na ang importansiya ng pagbabago ng loob ng bawat Filipino upang higit sanang maging matagumpay ang pagkakamit ng kasarinlan ng kapuluan. Kaya, pinalitaw ang mga mahalagang ideya ni Mabini ukol sa “Reason,” “Justice” at ‘Wisdom,” upang higit na magkaroon ng kaayusan sana ang pagtatag ng mga pamahalaang lokal at ang pamahalaang pambansa sa Filipinas. Kasinghalaga rin ang pagdidiin sa katapangan ni Mabini na panindigan ang mga pinaglalaban niya para sa bayan, sa kabila ng pamumulitika at pagmamaniobra ng mga kaaway na ilustrado sa Gabinete ni Aguinaldo, at ang tusong pang-aakit ng mga Amerikano sa mga miyembro ng huli upang tanggapin ang kanilang inaalok na “awtonomiya” para sa kapuluan. (At hanggang ngayon, lalo pa ring napapanahon ang mga punto ni Mabini ukol sa paninindigan ng bansa sa kasarinlan natin, gawa ng panunumbalik ng matinding interes ng mga superpower sa Timog Silangang Asya at ang lantarang pambabastos sa ating soberanya gamit ang isang luma at “iredenistang” (mapaglawak) pagsangguni ng kasaysayan ng mga lumang imperyo.) Masasabing “must-read” ang kaniyang mga sulatin at ang Dekalogo para sa mga Filipino lalo na at kaniyang tinalakay ang kahalagahan ng wastong paggamit ng “kalayaan” (Freedom). Aniya, malaya lamang tayong gumawa ng tama at naayon sa ating konsensiya. 

Interesante rin ang naturang kumperensiya sa pagdurugtong kina Mabini at Andres Bonifacio bilang mahahalagang mga lider at personahe ng Rebolusyon. Si Bonifacio man ay nakasulat na rin ng ilang ideya at naglatag ng kaniyang bisyon para sa “Sangkatagalugan,” na binabasa ng ilan bilang lahat ng Filipino. Natalakay rin sa kumperensiya ang ilang mga hindi kilalang tauhan at personahe sa Rebolusyon at ang kahalagahan ng mga ito sa ilang lalawigan ng bansa,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s