Pagbabawas

Dumarating ang panahon na, tulad sa timbang, pakiramdam mo ay lumalalabis ka na ng bilang ng mga kaibigan at kakilala. Napag-iisip mo kung kailangan o pinapahalagahan ka nila o may puwang pa para sa kanila sa iyong buhay. Na, sa kabila ng paulit-ulit na siklo ng pagsalubong pag-uusap pagbibiro pakikipagtrabaho paminsang-minsang pagdedebate-pag-aaway-pagtatampo-pagbabati, pakikisalo-salo, pamamaalam at muling pagkikita, ay hindi pa rin nagagasgas ang mga ugnayang matagal-tagal niyo nang nailagay, o kasalukuyan pang nilalagay. Na hindi pa nagtatagisan ang inyong mga isip at pananalig o nagbabadya nang magsaulian ng kandila.

Subalit, nagpaparamdam na ang mga signos.

Paupos na ang mga kandilang inyong ibinigay sa isa’t isa. Dumadalas, nagbabanggan ang inyong  mga pananalig at gawi. Nakikinita mong hihiwalay rin ang kapwa niyong mga landas dahil sa magkaiba ang layon ng inyong mga panaginip at pangitain.

Ayaw mo nang kumaway sa kanila ng pamamaalam sa huling pagkakataon.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s