30

Sinisimbolo nito ang pagwawakas gaya ng kasabihan sa journalism na “to write 30.” Sa kasaysayan natin, sinasagisag nito ngayong araw ang tatlong dekada mula nang mapaslang si Ninoy Aquino. Oo. Three decades have passed since The Assassination. Wala pang naututurong suspek na natiyak na siyang nagpasimuno ng pamamaslang. Marami mang nakakita sa pamamaril, kakaunti lang ang nakaaalam kung sino ang nag-utos sa gunman na kalabitin ang gatilyo at patayin ang dating senador. (Sa bagay marami-rami pang pamamaslang ang hindi pa nalulutas, ang iba’y mula pa noong ika-18 siglo nang patayin ang isang gubernador heneral). Anyways, marami na rin ang nangyari ever since. Napatalsik ang diktador na katunggali niya sa pulitika, naging pangulo naman ang asawa na nakasurvive ng kung-ilang kudeta, nahalal ang isa sa mga haligi ng Pag-aaklas sa EDSA, naluklok sa Malacanang ang isang dating aktor na nang lumaon ay mamatalsik at papalitan ng bise-presidenteng anak ng isang pangulo. Nakarami na rin ng TV show ang bunsong anak na babae ng ating bayaning mulang Tarlac habang tatlong taon tinatrabaho ng anak na lalaki ang pagtutuwid sa ating madalas na nalilihis at baku-bakong daan. Yumao man ang kaniyang maybahay, pinakita ng maraming Pilipino ang mainit na pagmamahal at paggunita nang kanilang ihatid siya sa huling hantungan, isang maulap na umaga noong Agosto 2009. Samantala, ang tanong na lamang habang ginugunita natin ang Asesinasyong ito, may hangganan ba ang pag-aalala natin sa kaniya? Tanging mga imahen ba niya ang maaalala o kahit paano ay ang naging papel niya sa kasaysayan, positibo man o negatibo? Malutas na ang kaniyang pamamaslang, huwag lamang magtatapos ang pag-aalala kay Ninoy bilang tagasulong ng tunay at makataong kalayaan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s