NGAYON SA KASAYSAYAN:

NGAYON SA KASAYSAYAN: (1892) Iniutos ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol ang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan. Nang gabi rin iyon, itinatag nina Andres Bonifacio at ilang kasama ang Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Katipunan) sa isang bahay sa Azcarraga, Tondo.

(1864) Isinilang si Isabelo delos Reyes, makabayang Filipino mulang Ilocos na nakilala bilang isang folklorist, labor leader, peryodista, tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente, at lumaon ay senador. Kaniyang ina ang makatang Ilokana na si Leona Florentino.

(1898) Naglabas ng manifesto si Pang. Emilio Aguinaldo na muling naghihikayat sa mga Filipino na ipagpatuloy ang himagsikan laban sa mga Espanyol. Nakuha ng U.S. Navy ang Isla Grande sa Subic at nadakip nito ang 1,300 sundalong Espanyol na nasa naturang pulo.

Sanggunian: NHCP; Teodoro Agoncillo (The Revolt of the Masses)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s