Ilang Pagninilay-nilay sa ating Kalayaan

***

(inedit na bersiyon mula sa aking Facebook post)

Kailangan maibukod ang konsepto ng “kalayaan” at “kasarinlan.” Mukhang nakapako pa rin tayong mga Pilipino sa “kalayaan” upang gawin ang anumang gusto na hindi napipigilan ng sinuman, dayuhan man o ating mga kababayan. Kung tunay tayong maging isang bansang mature dapat nating iabanse ang kamalayan sa antas ng “kasarinlan.” Ibig sabihin kaya natin magpalakad ng mga patakaran nang naayon sa nararapat at tumutugon sa pangangailangan ng mga kababayan. Ibig din nitong sabihin ay kaya nating manindigan sa mga usaping internasyunal na ang pangunahing layunin ay pairalin ang sariling interes. At hindi ang magpabahag ng buntot sa sinomang international “school bully’ riyan sa tabi-tabi.

***

Flashback Hunio 12 1898, citing Teodoro Agoncillo’s narration sa Malolos: Crisis of the Republic: “On June 12, between four and five in the afternoon, Aguinaldo in the presence of a motley crowd, proclaimed the independence of the Philippines…the Act of Independence, read by Ambrosio Rianzares Bautista…read in part:xxx And summoning as witness of the rectitude of our intentions the Supreme Judge of the Universe, and under the protection of the Mighty and Humanitarian North American Nation (NOTE:U.S.) we proclaim and solemnly declare, in the name of and by authority of the inhabitants of all these Philippine Islands that they are and have a right to be free and obedient”
 (Sa simula pa lamang ay alanganin na ang ating kasarinlan sapagkat hiningi pa ang proteksyon ng Estados Unidos upang makatayo umano nang mag-isa-Himantayon Dod)
***
Inilalahad sa video sa ibaba ang mga pangyayari sa pag-aalsa sa Cebu noong Abril 3, 1898 (“Tres de Abril”) sa pangunguna ni Pantaleon “Leon Kilat” Villegas at ang mga pageengkwentro ng mga hukbong Espanyol at mga Katipunerong Sugbuhanon:
http://www.youtube.com/watch?v=bV5okrTo-Gw. Pinamagatan itong Kagubut sa Sugbu ng palabas na Kabilin na ineere sa Cebu.
***
Marami pa dapat pag-aralan ukol sa paghimagsik natin para sa kasarinlan mula 1896-1898. Halimbawa na lamang ay kung paano tinignan ng mga taga Visayas at Mindanao ang Rebolusyon, kung bakit marami sa kanila ang hindi kaagad sumali sa Himagsikan, (ang iba pa ay tumulong upang masupil ito) at ano ang naging kahalagahan ng pagkalas sa Espanya sa kani-kanilang mga buhay. Nawa’y may dagdag pang 115 taon at higit pa upang tuluyan nating maunawaan ang mga bagay na ito.

2 thoughts on “Ilang Pagninilay-nilay sa ating Kalayaan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s