90

(Mga senyal na ikaw ay batang lumaki noong huling dekada ng ika-20 siglo)

  1. Mayaman ka na kapag mayroong cable connection ang iyong TV set. Kung wala naman, makikinood ka sa inyong mas bukod-na-pinagpalang kapitbahay / kamag-anak.
  2. Kung sa free TV ka sumusubaybay, madalas sa mga Channel 2 at 7 ang pakay ng iyong mga kamay at mata.
  3. Kung sa Maynila ka lumaki, maswerte ka nang makanood ng telebisyon lalo na’t madalas pa ang mga browout noon.
  4. Kung mahilig ka sa Channel Two shows. madalas mong subaybayan ang mga cartoon shows gaya ng Cedie (alas-diyes ng umaga tuwing weekdays), Power Rangers (7:30 ng gabi tuwing Biyernes), Teenage Mutant Ninja Turtles (Biyernes ng gabi rin), at Julio at Julia: Kambal ng Tadhana (Lunes-Huwebes, 10 am ng umaga).
  5. Nang malaon, nahilig ka rin sa mga palabas sa ABC -5 gaya ng Kimba The White Lion, Gumby at G-Force.
  6. Kung madalas mong ilipat ang istasyon sa Channel 7, sinusundan mo rin ang Flying House at Superbook (tuwing Linggo).
  7. Paminsan-minsan nanood ka rin ng mga cartoon reruns sa RJTV 29 o CTV 31 (Doon pala unang lumitaw si Mickey Ferriols).
  8. Naaliw ka sa mga productong inilalako noon sa Home TV Shopping sa RJTV 29 (hal. Silhouette 40).
  9. Kung nanood ka paminsan-minsan ng Channel 29, napapanood mo yung Shazan at Mr. T.
  10. Napapansin mong taun-taon pinalalabas tuwing Holy Week ang rerun ng “Ten Commandments” ni Charlton Heston.
  11. Dos pesos pa ang pamasahe sa dyip noon. Hindi pa nauso ang FX.
  12. Madalas kang magpabili ng Tivoli at Presto ice cream.
  13. Malamang sa hindi nanood ka ng G.I.M.I.K o TGIS noong nasa elementarya o hayskul ka na.
  14. Hindi lang Coke at Pepsi ang mga sikat na inumin noon. Nakakapili ka pa ng Fanta, RC, Pop, atbp.
  15. Kung nakatatanda ka, masarap na pantoma ang Gold Eagle, Beer na Beer at San Miguel Pale Pilsen. Malamang ikaw ay nakainom na rin ng Carlsberg.
  16. Inaabangan mo rin ang paglabas ng Eraserheads sa mga palabas sa Channel 2.

(Itutuloy)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s