Boto

Tularan natin ang babaeng pakipot
Muna sa lalaking naimimintuho sa kaniyang sagot.

Hindi kaagad nagpapakita ng motibo,
Hindi rin nagpapahalata kung siya ay tatanggi

O magsasabi ng inaabangang Oo.
Maaaring ngingitian ang ang manliligaw. Maaaring

Ismid lang ang isasagot sa kaniyang mga nagmamakaawang mga mata.
Aakalaing maakit siya sa pinapangakong langit,

Basta’t pumayag lang na itatali ang puso
Sa sumusuyong ganito kung mangako:

Hindi ko mang maidadala sa iyo ang buwan at mga tala,
Matitiyak ko namang mapapaaspalto ang mga kalsada.

Maipapagamot ko pa ang marami pang mga bata.
O di kaya naman ay tutulong pa pamimigay ng empleo

Sa mga walang trabaho. Dadalasin ko pa ang pagdalo
Sa mga pista, parti at kung ano pang okasyong pinapadayo.

Magtatalumpati pa sa mga gradweysyon, anibersaryo
O kaarawan ng kung sino.

Mamimigay pa ako ng mga iskolarsyip,
O kung may sakuna, wala akong atubiling maghahandog ng relip.

Kung sakaling kayo ay mamatayan,
Nariyan lamang ako upang kayo’y may masasandalan.

Lahat ng mga ito ay posible, basta’t inyo lang akong
Pagkakatiwalaan sa loob ng tatlong taon.

Tularan natin ang babaeng pakipot.

Ang hindi alam ng manliligaw:
Tayo ay nakapagpasiya na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s