Isang Pamahiin

(matapos “Ang Ahas. Bow” at “Ang Hunyango. Bow” ni Pete Lacaba)

At sa aba nitong nilalang! Kung kaniya lamang nalalaman, siya’y hudyat ng kamalasan. Ayon sa agiwing paniniwala, makararanas ng hindi maganda ang sinumang makasasalubong nitong hayop. Maaari siyang matalisod sa dinadaanan, madudukutan ng kwarta at selfon, o ‘di kaya’y mapagsabihan ng boss o ‘bisor. Etsetera, etsetera.

Malay ba ng pusang itim ang negatibong senyas ng kaniyang kulay? Hindi na nga niya kilala kung sino ang kaniyang pusang ama o pusang ina, aalamin pa ba niya ang  pinagmulan o kabuluhan ng itim niyang balahibo? Hindi naman siya nilalayuan ng kapwa mga pusa maliban na lamang kung makiagaw ito ng tinik ng isda o nilalalanding ibang pusa.

O sadya lamang na ating kamalasan na nilalagyan natin ng itim na kahulugan ang kulay ng mga nilalang? Mga nilalang na walang malay sa ating mga pangamba at pangitaing sinlalim ng gabi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s