Telebisyon

Lunsaran ito minsan ng muling pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng itinakda sa aming Kaligtasan. Pansamantala munang papanaw (noon) ang mga nakagawian nang mga cartoon show, noontime show at kung anu-ano pang mga palatuntunan.At  sa halip, hahalili ang mga dekada-nang-lumipas na mga pelikula ukol sa pagkuha ni Moises sa Sampung Utos, at ulit-ulit nang paggunita sa pagpapasakit-pagkamatay-muling pagkabuhay ng Propeta Mulang Nazareth, at ang pagpapalabas ng mga tigib-sa-pighati-at-lagim na special ng mga artistang karaniwang pagpapasaya ang hatid sa madla.

(Ito ay sa gitna ng pagtitiis ng mga paa at diwa sa pagvi-Via Crucis, pagvi-Visita Iglesia at pagsa-Santo Entierro).

Dalawang dekada na mula nang unang mamalay kami rito. At ngayon, lunsaran pa rin ito. Lunsaran ng amin hinanahap nang Kaligtasan mula sa isang taong kalbaryo ng pagbabanat ng buto, paghahanap ng trabaho, pakikitungo (huwad man o totoo) sa mga kapwa, pakikipagpingkian ng mga diwa, salita, o gawa, o ang pagharap sa mga suliraning hatid ng mga balita sa opisina pahagayan bibig atbp.

Kailangan lang umupo at manalig. Lalo na’t mas malawak at hatid nitong langit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s