Suliranin

Kumbaga sa daanan, marami pang bagtas sa ating nakaraan ang kailangan pang tugaygayin. Napakalawak ng kasaysayan ng ating bansa, at marami pang aspeto nito ang a.0) hindi pa natatala o b.) kulang pa ang pagsipat.

Kaya’t hindi problema ang paghahanap ng problema sa pag-aaral ng kasaysayan ng bansa. Nakahanap rin ako ng ilang suliraning tatangkain kong lutasin nang kahit pahapyaw pa lamang.

Kakaunti pa ang mga nakita kong pag-aaral na ukol sa papel ng kabataan sa kasaysayan ng Pilipinas. Karamihan sa mga nagawa na ay nakatuon pa sa huling siglo. Mainam sanang pag-aralan ang konsepto ng “kabataan”, mula sa pananaw ng ating mga ninuno, noong panahong hindi pa dumarating ang mga Espanyol at ang panahong kolonyal. Paano ba ito nagbago sang-ayon sa umiral na mga paniniwala, relihiyon, at tradisyon? Ano naman ang naging papel ng mga “kabataang” Pilipino noon sa paghubog ng ating bansa mula sa dati-rati ay mga hiwa-hiwalay na mga pangkat? Ano naman ang naging pananaw ng mga kolonisador at ibang mga dayuhan sa ating mga “kabataan?”

Isa namang suliranin ang paglutas sa mga tanong na ito.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s