Tiwala

1.) Ito  ay pintuang sinasasara natin sa mga kinayayamutang mga mukha, mga estrangherong kung kumilos ay tila kakaiba, o maski mga kakilalang hindi natin mabasa ang takbo ng isip at mapulso ang tibok ng puso. Madalas na itong ikandado lalo na’t panahon pa rin ngayong nangangkakalat ang mga dugo-dugo, budol-budol, o bantay salakay. (Hindi ba’t minsan ka  nilang naloko?). Kung maaari lamang ay huwag muna itong buksan muli.

Subalit, kung lagi mo lamang ipinipinid ang pintuan, ano na ang iyong  magiging kapalaran sa loob ng iyong tahanan? Tumititig lamang sa kisame at nagbibilang ng butiki? Pilit mo bang pinapaigpaw ng iyong kamalayan ang kawalan patungo sa malayong pook na nais mong tunguhin o  mga pangarap na nais mong kamtin? Baka’y aagiwin na lamang sa panghinayang ang mga araw na iyong inilalagi sa loob.

Hindi naman masama, paminsan-minsan, ang makasagap ng (inaakala mong) sariwang hangin at makakita ng (tila) panibago at inosenteng mga mukha.

****

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s