Ilang mga tala sa Aklasang Bayan ng EDSA 1986

Ilang beses na natin napapanood sa mga TV documentaries, nababasa sa mga artikulo sa mga babasahin o naririnig sa mga talumpati’t panayam ang pagdedetalye sa mga pangyayaring nagbunsod sa EDSA People Power 1. Pero, 26 taon matapos ang nasabing pag-aalsa (may debate pa nga kung ito nga ay maituturing na himagsikan o rebolusyon), tila dayuhang napadako sa  isang malayong pulo ang gunita ng naturang pag-aaklas.  Marahil makatutulong ang link na ito upang malaman ng mga nakababatang netizens ang kahalagahan ng People Power 1, kung bakit ito nangyari at ano ang naging implikasyon nito sa kasaysayan.  Isinalaysay ng manunulat na si Angela Stuart Santiago sa naturang website ang ilang mga detalye-na maaaring hindi pa nababatid ng karamihan-  sa naturang pag-aalsa. Mahalaga rin itong balikan, kahit na tayo ay dalawang dekada’t anim na taon nang malaya sa isang diktadura, upang ating mabatid kung karapat-dapat ba nating muling nakamit ang kalayaan o tila inabuso lamang natin ang paglasap at paggamit nito. Sana rin ay magbunsod ang naturang link upang makabukas ng mga bagong tanawin kung gaano pa kalaganap ang diwa ng Aklasang Bayan sa bansa-kung ito ba ay hindi lamang nalimitahan sa Kamaynilaan kung hindi ay nadama rin sa mga lalawigan at ibang mga lungsod / syudad ng bansa.

PS (Pahabol na pasabi)

Salamat at nakita ko ang link na ito sa isang Tweet ni Manuel Luis Quezon III.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s