Trahedya

(matapos ang pananalasa ni Sendong sa hilagang Mindanao)

Tulad sa kung ilang nagdaang delubyo,
nilunod,
tinangay,
inanod,
ng baha’t putik,
pagtaog ng dagat

at pagragasa ng mga ilog,
ang mga nabiglang palahaw.
Dagok sa dilim
na hatid ng ng mga di nakikitang kamao
Ang kanilang pagpanaw.

Samantala,
binabaha naman
ang aming namamanhid,
malilimutin
at abalang
mga gunita
ng mga eksenang mulang Mindanao:
Mga nakasalansang bangkay na tilang mga trosong nakatimbuwang,
Mga sasakyang inanod na tila pambatang laruan,
Mga kamay na nananghod ng awa,
Mga bibig na umuusal ng kamatayan at pighati.
Upang paglaon,
marahil,
ay tangayin ng mga bagong hulagway’t alalahanin
Sa kung saang lupalop ng paglimot.

Sa ngayon,
gunita ng mga nagdaang pagbaha’y
trosong inanod sa pampang
mulang bundok.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s