Paglago at Paglaho ng mga Estado…

Interesante itong panayam sa istoryador na si Norman Davies ukol sa kaniyang panibagong librong Vanished Kingdoms. Sa panayam na ito na lumabas sa The Browser,  kaniyang pinaliwanag kung paano at bakit nabubuo at naglalaho ang mga bansa at estado. Ginawa niyang halimbawa rito ang Unyong Sobyet, sa kontemporanyong panahon, at ang kaharian ng mga Visigoths sa Gaul (Pransya) noong unang bahagi ng sixth century AD. Ibinahagi rin ni Davies ang mga librong kaniyang binabasa na ukol din naman sa mga naglahong kaharian sa Europa gaya ng Aragon, Montenegro at Prussia.

Ano naman ang kahalagahan ng mga ito sa ating mga Pilipino? Una sa lahat, mababatid natin ang iba’t ibang mga salik na nagtutulak sa pagbubuo at pagkamatay ng mga estado. Sinipi nga ni Davies ang pilosopong Pranses na si Jean Jacques Rosseau sa paghalintulad ng estado sa katawan na tao na sa oras na mabuo ay nagsisimula rin ang kamatayan. Pangalawa, kailangan nating matutuhan sa mga kasaysayan ng mga naturang estado kung paano sila nagsimula, lumaki at nawala. Kailangan natin mabatid ito kung gusto pa nating tumagal pa, at umunlad ang existence ng bansang Pilipinas.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s