Ilang mga haka (at tala) sa pag-aaral ng Kasaysayan

(Mga sagimsim matapos ang dalawang semestre)

*Ang hindi umano lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Subalit, paano kung paglingon mo sa pinagmulan ng iyong bansa, ang tanging mong nakikita ay hamog at usok, at tanging mga naririnig naman ay mga alingawngaw ng mga hindi mo maunawaang mga tinig? Tila hindi ka rin makakarating kaagad sa iyong parooonan.

*  Mahalagang isaulo raw ang mga petsa, pangalan, mukha, lunan at pangyayaring tumatak sa tadhana ng ating bansa.

Aanhin mo ang mga iyon kung hindi mo matagni-tagni ang kanilang mga kabuluhan sa nakaraan at sa kasalukuyan?

* Ang kasaysayan ay itinala ng mga dominanteng personahe lamang.

Paano nila natupad ang kanilang mga mithiin o hangarin kung hindi rin sa tulong ng mga karaniwang mamamayang walang pangalan sa historia o mga tala.

*Dapat walang kinikilingan ang pag-aaral ng kasaysayan

Kung gayon, tila pag-sasaulo lamang ito ng mga numero, pangalan o datos na hiwalay sa reyalidad ng mag-aaral. (napuna na ito ng kung ilang mga istoryador)

*Pinal ang mga hakang nagagawa sa pag-aaral ng kasaysayan

Paano kung may bagong lumitaw na dokumentong tataliwas sa nagawa mo nang konklusyon? (salamat kay Teodoro Agoncillo)

*Nakakabagot ang pag-aaral ng kasaysayan

Hindi ba iinit ang iyong dugo kung pag-aaralan ang samu’t saring mga kabiguang dinanas ng ating mga ninuno, sa kamay ng mga mananakop at sa kapwa mga Pilipino? O hindi kaya naman, ay mamangha kung paano nasakop ng mga barbaro ang mga dakilang imperyo ng sinaunang daigdig?

One thought on “Ilang mga haka (at tala) sa pag-aaral ng Kasaysayan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s