Stoicism

Nag-aalburuto na ang mga tambutso. Carbon lang ang tumatakas.

Tumatalak na ang mga makina, nauuhaw na ang mga radiator, habang napipikon na ang mga gulong sa trenta minutos na pakikiniig sa malubak at magaspang na aspalto.

Naiinis na  ang traffiic light sa nagmamadali subalit mabagal pa ring daloy ng mga sasakyan. Pula. Dilaw. Berde.

Samantala ang utak mo ay lumilipad, naglilimayon patungo sa paroroonang matagal pa, matagal mo pang mararating. (Ang puwit mo’y nasa upuan pa ng FX).  Nagpapatawa pa rin si Nicolehiyala at si Cris Tsuper.

Mahinahon pa ring binabagtas ng kamay ng relo ang nakatakda nitong tungkuling bilangin ang oras ng mga naiinip nang biyahero’t nagmamaneho.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s