Eksibit sa apat na siglong kasaysayan ng UST

Inilunsad noong nakaraang linggo ang eksibit na “Lumina Pandit” sa bulwagan ng Miguel de Benavides Library ng Unibersidad ng Santo Tomas. Bilang isa sa mga panimulang aktibidades ng pagdiriwang ng quadricentennial (ika-400) anniversary ng pagkakatatag ng Unibersidad, itinatampok ng mga organisador ang halos 400 na libro, reliko at dokumentong nagtataglay ng istorikal na kahalagahan. Dahil rito, may pagkakataon naman ang mga Tomasinong estudyante, guro, kawani at pati mga bisita na mula sa labas ng Unibersidad na matunghayan ang mga libro at gamit na may ginampanang papel sa kasaysayan ng pamantasan at ng bansa simula sa pagdating ng mga Kastila. Kaya’t maaaring makita ng mga bisita ang mga kopya ng mga unang librong nailimbag sa bansa ( gaya ng La Doctrina Cristiana En Lengua Letra Chino), pati na ang mga dokyumentong nagtataglay sa mga grado ng ilang mga bayani, kasama pa ang mga tala ng mga Dominikano sa gawaing misyonaryo sa Timog-Silangang Asya. Kapansin-pansin rin na may interactive exhibit rin na kung saan isinasalaysay ang kasaysayan ng pagpapalaganap ng mga Dominikano sa Katolisismo, pati na ang audio recordings ng pasyon batay sa iba’t ibang wika ng bansa gaya ng Tagalog at Ibanag. Nahahati ang nasabing exhibit sa anim na bahagi ayon sa ilang ispesipikong highlights sa ating kasaysayan paris ng pagdating ng print technology atbp. Tatagal nama ang “Lumina Pandit” hanggang sa Enero ng 2011.

Lumina Pandit brochure

Ucan article

Lumina Pandit Photos
(salamat sa UST Office of Public Affairs)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s