Payo

Pare koy, huwag kang magmamadali sa iyong pagsagwan. Kung sakaling ang nilalakbayan mong dagat ay mababaw, nakikita mo na ang ilalim, habang ilang buwan ka na rin bumibiyahe, huwag kang mabagot.  Darating din ang panahong iihipan ka ng hangin, kasabay ng iyong matinding pagpupunyagi, patungo sa malayong laot. At wala ka nang nakikitang isla sa abot tanaw. Bagama’t lunggati mo ang makipagsabayan sa malalaking taog ng  dagat, baka’y magulat ka sa hamong ito sakaling abutan ka ng unos sa dagat.  Nakikipagsabayan ka sa nagngangalit na hangin, sinusuong ang buhos-buhos na pagbagsak ng ulan, habang tinatangka mong iwasang masiklot ng alon ang lulan mong bangka. Kung sa tingin mo’y kaning-itik ka sa sigwang ito, kung hindi man sa pating o berkakan, makontento ka munang magsagwan rito. Kung maaari ay magsanay ka muna sa pagsagwan hanggang sa makalayo sa dalampasigan nang hindi nanginginig o namumutla. Kung nagbabantulot ka pa rin sa iyong mithiin, bumalik ka na lang sa dalampasigan.

Maaring ayusin mo ang iyong bangka. O gumawa ka ng mas malaking lantsa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s