Estudyante

(para kina sir Dennis, sir Jere at sir Vily).

Ako’y manlalakbay na hindi pa napupunasan ang gatas sa labi. Kayo nama’y mga timonerong paulit-ulit nang nakatitikim ng apdo at alat sa inyong pagbibiyahe. Sa tuwing nagkikita tayo, bagong kwaderno ang aking utak habang inyong sinasalaysay-sa saliw ng bumubulang serbesa at halakhak- ang mga kagilagilaas at kapansin-pansing pagpihit at pagdiin ninyo sa pluma habang dinidiktahan ng orasan.  Naghihingalong bolpen, inaanay nang aklat o hindi kaya’y natutuyong balon ang aking mga natutunan sa paaralan habang napakikinggan ang inyong pagpupunyaging makahanap ng bagong balita, araw-araw, linggo-linggo, taon-taon. Isang daanang mapanglaw ang larangang palagiang tinatahak ninyo at ninanais kong tahakin: madalas nababakli ang mga pluma dahil sa sa takda ng ginto o patalim o di kaya’y napapaos magsalaysay dahil sa pagmamadali ng mga gumagamit na kamay.   Gayumpaman ay naghahanap pa rin kayo ng bagtas upang mahanap ang liwanag sa dulo ng daanang marawal na ito. Nais niyong manatiling matatag ang mga pluma habang umaalingawngaw sa dulo ng mga ito ang katotohanan. Humawan rin kayo ng bagong landas, upang matanglawan din ang mga katulad kong bata pa’y iika-ika pang nilalakad ang mahaba at lubak-lubak na daanang at takot na baka’y matisod sa gabing mapanglaw.

Gusto ko nang pilasin ang mga pahina ng aking lumang kwaderno, habang nilalasap ang apdo at pait. Pinupunasan ko na rin ang gatas sa aking labi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s