Anibersaryo

(sa gunita ng Pebrero 25, 1986)

At tulad ng mga nakaraang pagdiriwang, ipinaalala sa atin ng mga kalendaryo, paskil, patalastas o tarpaulin ang araw na ito.  Ang araw ito nang ang Diktador ay daling-daling lumisan sa bansang pinamunuan nang matagalan. Ang araw na nagwakas sa tangkang pagsupil ng mga tangke, bala at kanyon sa mga nagsiaklasang kawal ng pamahalaan. Ang araw na hinarang ang mga gatilyo at machine gun ng mga karaniwang mamamayang baon-baon ay panalangin, kakanin at pananampalataya. Ang araw na nakalaya umano ang ibong matagal nang ikinulong nang kanyang amo upang madisiplina’t maging isa’y waring bagong ibon.

Bumaha na naman ng paanyaya at paalala na pahalagahin nating mga mamamayan ang araw na ito. Dapat umano na nating pasalamatan ang mag-asawang inalay ang kanilang buhay upang ang ibon ay makalaya sa hawla. Mahigit dalawang taon bago sumapit ang araw na ito, ay dumanak ang dugo nitong nadestiyerong senador upang makalaban ang amo na sa tingin niya ay nagpapaluha sa Inang Bayan. Subalit inuklo ang bituin sa isip nitong senador nang tamaan siya ng taksil na punglo hanggang sa siya ay lumagapak sa malamig na semento ng paliparang lunsaran sana ng kaniyang Huling Laban. Taksil na bala rin ang pagluluksang sinapit ng kaniyang bana na mula noon ay pinagpalit ang kusina sa entablado upang bigyang saysay ang pagkawalay sa asawa at muling maipalipad ang ibong nakakulong,

Tulad ng inasahan, nagkaroon ng programa sa Kalsadang pinagdausan ng nasabing mapayang himagsikan,  nagpalipad hangin ang mga kasali at saksi sa araw na iyon na huwag raw nating kalilimutan ang araw na iyon nang muling nakalipad ang ibon mula sa hawla. Subalit binalaan tayo ng isang babaeng nakinabang sa sumunod na aklasang bayan na hindi na tatanggapin ng mundo ang isa pang muling pagdagsa ng mga tao sa kalsada upang harangin ang paglusob ng mga sundalo o ang pagpapalayas sa isang tiwali na pinuno.  Saan kaya tayo lulugar rito?

At ngayong pinilas na pahina ng kalendaryo ang petsa nitong anibersaryo, marahil ay alingawngaw sa ating guni guni ang mga paalalang ito.  Marahil ay maaalala muli natin ang anibersaryong ito kapag nais nating matapat ito sa isang araw na aakalin nating makukulong na naman tayo sa tambak-tambak na papeles, o hinagahupit ng maanghang na dila ng ating mga boss, o hindi kaya ay nilalagnat na tayo sa matinding kapaguran ng limang araw-sa-isang-linggo na pagtatrabaho.

Kailan kaya ang susunod na pagdiriwang ng kaganapang ito?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s