Ano Kaya?…

Sasapit na naman ang halalan. Tulad noong mga nakaraang eleksyon, isinasabit na sa mga kawad ng kuryente, poste ng ilaw o sa ilalim ng mga overpass  ng mga tarpaulin-o di kaya ay nakalathala sa mga billboard-  ng ating mga butihing kagawad/ konsehal/kapitan/mayor/ kongressman/senador. Huwag pang isama ang mga nagbabalak na “maglingkod” para sa buong bansa. Nililigawan na tayo ng mga taong gustong ugitin ang bansa tungo sa anila’y mas maalwa at maginhawang hinaharap. Makikipagtagisan na sila ng utak at bibig sa mga forum at debate, o hindi kaya naman ay sasayaw, mangangako at magtatalumpati sa mga patalastas sa telebisyon.

Ipinagmamalaki na ng gobyerno na masisilayan sa darating na pampanguluhan at lokal na eleksyon ang unang automatized na pagbibilang ng mga boto. Mula ngayon hindi na raw tayo magguguhit ng linya sa mga Manila Paper matapos ang pagtawag ng pangalan ng mga kandidato. Mula ngayon ay hindi na basta umano mababaluktok ang balota ng mga botante dahil lamang sa titig at tinig ng gatilyo o bala. Mula ngayon ay araw-at hindi buwan o taon- ang ating bibilangin bago malaman ang resulta ng ating halalan.

At dahil may kabaguhan na umano sa ating sistema ng paghahalal sa mga opisyal, bakit kaya sumubok tayo ng bagong paraan sa pangangampanya. Iyon bang sumasabay sa agos ng panahon at kultura ng ating lipunan?Hiramin na natin ang konsepto ng mga reality show gaya ng Pinoy Big Brother. Anyway dahil malaki naman ang impluwensya ng showbusiness  at aliwan sa ating buhay,-at least dito sa kalungsuran- ay bakit hindi tayo manghiram ng isang konsepto mula sa nasabing larangan?

Iminumungkahi ko na ilagay ang ating mga kandidato (halimbawa sa mga national positions i.e presidente, senador,) sa isang bahay. At sa loob ng 3 buwan-na katumbas ng campaign period na itinakda ng batas- ay gagawin nila ang mga “tasks” na iuutos sa kanila ng isang boses. O para mas masaya mga boses (tig-isang tinig para sa mga masa, sa edukado, isa sa mga negosyante at isa sa mga kapwa nila politiko). Maaaring ang mga iuutos ay may kinalaman sa mga hiling ng mga sektor na kinakatawan ng mga boses na iyon. Maaari namang susubukan lamang kung paano makitungo sa isa’t isa ang mga naturang kandidato. Ang mahalaga ay masunod nila ang mga ipinapapagawa. May parusa kung hindi nasunod sa kabuuan ang mga tasks na ito-kung gagamitin ang termino ni Big Brother-.   Unless may valid reason sila para gawin ito. At bawat buwan-o sabihin na natin dalawang linggo- ay magtetext ang mga manonood/botante natin kung sino sa mga kandidatong iyon ang gusto nilang ipaalis o ipanatili. Malamang ay hindi gaano malaganap ang dayaan rito kasi ipinapadala lamang sa text ang mga boto ng mga manonood.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s