New Year’s “resolution”

At dahil Bagong Taon kailangang raw magbagong buhay (bagama’t paano gagawin iyon kung iisa lamang ang ating buhay at madalas sa hindi’y pormulado na ang ating mga plano at gawi?) Gayumpaman, susundin ko ang payong ito para mag-isip ng New Year’s Resolution (na sa tingin ko ay mas madaling baliin o bawiin kaysa tuparin). Iniisip ko na sa ganitong paraan ay magkaroon ako ng mga muhon o guidepost sa aking buhay. Mahirap nang maligaw o matyanak sa masalimuot na buhay sa mundong ito.

1) Pagpapayat: Kung anong sugid ko sa pagsulat, pagbabasa o pagtula ay kailangan ko namang gawing regular ang aking pagpapayat regimen.Dapat madalas, hindi ningas-kugon, araw-araw akong maglalakad nang paspasan dito sa amin. Kailangan ko ring kontrolin ang kabog ng sikmura sa bibig, huwag magpapadala sa halimuyak ng inihaw na manok, litson o amoy-prutas ng ice cream. Dahan-dahan lang kung hindi ko mapigilang kumain. Ito ay kung gusto kong talagang pumayat well below sa 200 pounds (90 kgs) kung timbang ngayon. Tulad sa tula ay kailangan ko ring pag-aaralan ang mga aspeto sa pagpapayat (tumpak na body mass index, dami ng calorie na kailangang kainin, bilang ng minuto habang nageexercise atbp).

2.) Pagsasaayos sa aking blog: Natutuwa naman ako at marami nang nagbabasa sa aking blog lalo na pagdating sa mga paksang panitikan at kasaysayan. Batay ito sa dami ng hits o pagbisita ng mga users na sinusukat ng isang “metro” sa aking blog. Gayumpaman ay kailangan kong ayusin ito tulad ng sa layout, nilalaman at ang pagiging accessible nito sa mga kapwa ko blogista o netizen. Halimbawa’y maaari ko itong palitan ng layout design (kung hindi man palitan ay dagdagan ng features tulad ng video sounds etc). Ikakatuwa ko ang pagmumungkahi ng sinomang makakadalaw sa aking blog ng mga nassabing pagbabago batay sa kanilang pananaw o karanasan.

3.) Lagyan ng “ngiti” ang aking mga isisunulat.-Sabi ng aking mga malapit na kakilala, masyado raw akong seryoso. At agree naman ako dito. 22 anyos lang ako pero parang ang panulat ko ay pang30 anyos na. Tumanda akong pausad, labis na pausad. Siguro makakatulong dito ang paghirit ng jokes kahit madalas ay korni pa sa makaririnig. O di kaya ay tawanan na lang ang dinadanas na sariling mga kapaitan lalo na at ang mundo ngayon ay puno ng kapaitan at pagkabigo.Ayaw ko nang maluha pa. Lalo na’t nalalapit na umano ang katapusan sa 2012.Yay.

4.) Mag-experimento sa panulat: Binabalak kong magsulat na mala-diary/pitak/prose poem na post na magtatampok sa mga maiinit na balita o usapin sa isang ispesipikong panahon (hal linggo o buwan). Balak kong gawin ito na parang may historical account ng mga nangyayari sa paligid ang isang karaniwang mamamayan/netizen na tulad ko. Inaasam ko na baka sakali ang aking isusulat ay magsilbing historical document para sa hinaharap para sa mga darating na “maninilksik.” ito ay sa kabila na wala pa akong hinawakang postgraduate degree, posisyon o ano pa mang pormal na karangalang inaasahan para sa ganoong larangan.

Bukod sa porma, plano ko ring magsulat sa Sebuwano, ang inang wika ng aking ina. Para fair naman dahil nagsusulat na ako sa Tagalog/Filipino at Ingles. Tugon ko rin ito sa akusasyon ng ilan na dehado ang mga wikang rehyonal ng bansa dahil pinaghaharian ng Ingles at Filipino ang mass media, at Internet. Ayaw ko munang makisawsaw sa nasabing mainit na usapin, at sa halip gagawa muna ako ng paraang makatutulong sa pakikipag-ugnayan nating mga Filipino.

Ito lang muna ang aking mga muhon o guideposts para sa 2010. Kumbaga sa business, kailangan ko lang tuparin ang mga “doable” na “milestones” para may nagawa naman ako sa limitadong panahon. Now na!

4 thoughts on “New Year’s “resolution”

  1. Bukod sa porma, plano ko ring magsulat sa Sebuwano, ang inang wika ng aking ina.

    Ako, matagal ko nang gustong matutong mag-ilonggo–most of my relatives can speak and write fluently in that language eh.🙂 Happy 2010!

    • uy so we’re on the same boat kumbaga, nagnanais matutong magsalita at magsulat sa isa sa mga wika natin. try mong magpractice mag-ilonggo sa mga kapamilya mo.tapos mag-aral ka ring magsulat dahil alam ko ay umuusbong ang panulat sa ilonggo pagdatign sa panitikan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s