(Binagong) mga salawikain at bagong mga tula

1.)Malayo ma’t lalakarin
Ito raw, mararating natin.
Pa’no kung ibayong dagat
Dapat kong patutunguhan?

2) Pagkahaba-haba man ng prusisyon
Sa simbahan naman ang tuloy.
Habang ikaw ay naglalakad,
Paubos na kaya ang mitsa?

3.) Payo sa nagbibigay-payo

Iyong mga salita,
Kanilang pamatid–uhaw.
Inumin mo mga ito,
Kahit minsa’y lasang apdo.

4)  Ligaw

Hinahabol ng mga mata,
kaakit-akit na ada.
Paghakbang ng mga paa,
Sa sangandaa’y natigilan.

5.) Pikon

Magbiro raw sa lasing
Huwag lang sa bagong gising.
Madalas kong nababasa’t
Napapanood sa balita,
Sa biro’y nakukulta
Ang ilang sinaniban
ni San Miguel ma’t Granma
O sinipa ni Kabayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s