Next Year

Next year, election na. Ngayong taon , good as nangagampanya na ang mga wannabe presidents: ‘diba recently lang ay may nagpapadyak pa ng tricycle para maiahon raw tayo sa kahirapan? *ngayon tinigil na ang kaniyang byahe alang-alang sa isang mas tanyag umanong “drayber.” Hindi ba’t may isa pang wannabe ang naninindigan na siya ang karapat dapat mapiling pambato ng party niya? At dahil ibang manok ang inaalagan ng partidong ito, kaya gumawa na lang siya ng sariling ad na kailangan daw ng disiplina para ang bayan ay umunlad… kaya badly needed ang kabayanihan? Oo nga pala may wannabe ring nagpapaadvertise sa TV para umano malinawan tayo sa mga “akala” natin sa kaniya; at upang maremind tayo sa kahalagahan ng sipag at tiyaga.

Habang sila ay excited na sa elections, ako kaya excited din? In short, kailangan ko pa bang bumoto sa darating na halalan this 2010 (nawa’y talagang dumating na at hindi mapigilan ng kung anong aberya sa daan *wink*)

Next year na rin ‘yun.

Hmm.. let me count the reasons bakit dapat akong bumoto sa 2010.  Sabi nila kapag hindi raw ako bumoto, wala akong karapatang magreklamo kung sakaling hindi maganda ang takbo ng tutuparing mga patakaran ng pamahalaan. Hindi ka nga naman nakialam so wala ka ring karapatang makialam kapag nagkaletse-letse na ang pamamamahala ng president. Pero bumuto na rin ang aking mga lolo, lola, tito tita, mama, papa, at ilang mga kaibigan at kaaway. As usual, nagkaleste letse pa rin ang bayang ito. Ninanakawan pa rin ang ating kaban. Yumayaman ang mga politiko, naghihigpit pa rin tayo ng sinturon.  Pero bumoto na rin ang mga kakilala ko.

Kung hindi ako bubuto, hindi ko na kailangang pumila  sa presinto, hanapin ang aking pangalan sa mga listahan, magsusulat ng aking piniling presidente at iba pang kandidato. Hindi na rin madudungisan ng indelible ink ang aking hinlalaki, tanda na ako’y bumoto. Hindi na rin ako mag-aalala na baka madaya ang aking pasya. Hindi ko na kailangang buong araw mag-antabay sa TV para sa resulta na ilang weeks in the making pa.

Pero sa kabilang banda, kung hindi ako bubuto, nagsayang lang ako ng effort, panahon at pera para lang makakuha ng voter’s number and ID. By the way, in x years ko pa yata makukuha ang ID ko hehe. Sayang na sa pinaxerox kong mga dokyumento, letrato, sayang sa ginastos kong pamasahe mula bahay hanggang sa aming City Hall (kung saan naroon ang aming local Comelec office), sayang din sa oras na gumising pa ako nang maagang maaga para lang makapila kaagad.

Kung bumuto nga naman ako, at least daw, nakialam ako (kahit saglit) para sa kapakanan ng bayan. Tanong, tinatanong ba tayo nila kung may ipapasang batas, ipapataw na buwis, o lalagdaang kasunduang paglaon ay makikitaang butas-butas pala sa batas? Parang hindi. Parang wala akong naalalang tinanong ako ng isang senador, konggresman, mayor, o kung suswertehin, ng pangulo, kung ano ang aking sentimyento sa kanilang desisyon. Ang alam ko, nagawa na nila ang sa gana nila’y dapat gawin (kahit hindi naman karapat dapat para sa atin).

Kung bumuto ako, may K na akong magreklamo. All right, sige magrereklamo na ako. Pero nakikinig ba sila sa aking mga reklamo. Kung yung boto nga hindi nila napapansin, reklamo ko pa? At kung magrereklamo ako, may makikinig ba sa pagrarally ko? Baka ang mangyari, mas mabuwisit pa ang mga motorist sa lugar kung saan ako makikirally (kung sakali). Nagdudulot dawn ng trapik, nag-iingay lang kami. Eh di sa Facebook na lang ako makilahok ng mga advocacy ng “pagbabago.” Kaso may Facebook account ba ang ibang mga officials natin? Kung meron man baka naka-private setting lang kaya hindi rin ako ma-aadd.

Matapos itong lahat, ano nga ba ang magandang dahilan kung bakit ako buboto? Pag-iisipan ko muna yata ito….

Mamimili na ako.

2 thoughts on “Next Year

    • daghang salamat bay…ganahan man ko magboto pero naghunahuna man ko sa mga “pros” ug “cons” sa pagboto, kanang mga problema ug advantages na akong makuha dha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s