Dinastiya

Noong OJT writer ako sa Philippine Graphic (Abril-Hunyo 2007), may ipinasulat sa aking artikulo tungkol sa pananatili ng mga political dynasties sa ating bansa. May pamagat itong “Good or bad, political dynasties are here to stay.” Ininterview ko ang isa kong political science professor, nagsaliksik ako sa mga online sites ng dyaryo at pati na sa website ng House of Representatives para rito. At nalaman kong kaya wala pa ring naipapasang batas ukol sa pagbabawal ng pag-iral ng mga dinastiyang politikal ay dahil a.) hindi malinaw ang depinisyon ng “political dynasty” at  b.) usad-pagong ang pagpasa sa Kongreso ng mga panukala para rito. Paliwanag pa ng aking propesor na kaya malabo ang pakahulugan ng political dynasties ay dahil kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na salik: lugar kung saan namumuno ang mga dinastiyang ito at ang panahong itinagal ng kanilang pamumuno. Paglilinaw naman ng aking propesor na hindi lahat ng political dynasties ay masama o naging sakim sa kapangyarihan dahil “may iilang nakapagdulot ng kaunlaran sa kani-kanilang mga pook.” Naisulat ko rin na naibinbin ang tatlong panukala (bill) para sa pagbabawal ng mga political dynasties dahil hindi naipasa bago ang adjournment ng 13th Congress.

Naalala ko lang ang artikulong ito (na siya yatang unang nalathala kong article sa Graphic) habang minasid ko ang papaigting pa lamang na kampanya para sa darating na eleksyon. Napansin ko rin na na tila “family feud” uli ang eleksyon sa ating bansa nang malaman kong magpinsan pala sina Benigno “Noynoy’ Aquino III at Gilbert Teodoro Jr. Muli kong napagisip isip ito nang mabalitaan ang karumal-dumal na masaker sa Magindanaw na kung saan 60 katao-kabilang ang ilang miyebro ng angkang Mangudadatu, 30 mediamen at mga babae- ang pinaslang ng hinihilaang mga tauhan ng angkang Ampatuan. Sa Quezon City, tatakbo ang anak ni Mayor Feliciano Belmonte Jr.-si Joy-bilang bise mayor ni Herbert Bautista. At nabasa ko sa isang Cebu community newspaper, muli na namang tatakbo ang mga miyembro ng angkang Garcia sa Cebu.

Nagpalit (at magpapalit uli) na ng Kongreso at nalalapit na ang isa na namang halalan pero pare-pareho pa rin ang mga apelyido.

Sa aking pagsaliksik sa Congress website, nalaman kong nakabinbin pa rin sa Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang 3 panukalang nagbabawal sa political dynasty: (HB0783 ni Kinatawan Arthur Defensor\; HB 3049 ni Kinatawan Edelmiro Amante at HB 5669, Kinatawan Narciso Santiago III, 2493 ni Kinatawan Satur Ocampo.).  Mukhang malabong may maipasang bill bago tuluyang mangampanya ang ating mga politiko.

Nangangailangan ang paksang political dynasty ng mahaba-habang usapin at talakayan mula sa mga eksperto at pati sa karaniwang blogger na tulad ko. Sana ay makatulong ang post na ito na makapagsimula ng ganitong talakayan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s