Sa rebulto ni Benavides

Nakaduro
Ang kanang kamay ng rebulto
Nitong arsobispo.

(May kipkip siyang libro
sa kaliwang kamay. Kulay abong-lungti
ang kaniyang mukha, braso at suot-suot na
sotana)

Waring may gustong
Siyang ipahiwatig
Sa sinumang nagmamasid.
Kapag sa estudyante, marahil binabalaan ito
Na baka sa ibang pamantasan
Ang kaniyang kahahantungan,
Kung hindi pagsusumikapan ang pag-aaral.
Kapag sa guro, malamang
Sa kaniya’y ipahayag
Ikalat ang iyong mga nalalalaman
Sa mga mag-aaral na kailangang
Mawisikan ng karunungan.

Kapag sa turista, siguro’y
Sa kaniya’y ipagmamalaki
Ang halos apat na raang taong kasaysayan
Nitong unibersidad.

Tingnan natin kaya
ang kaniyang mga mata
at bibig,
Baka doon nakakubli
ang gustong niyang masabi?

Subalit, bulag ang kaniyang pagtitig
Pipi ang kaniyang pagtalumpati.
Kipkip niyang libro
ang kahulugang hindi natin
makuro.

Kung gayon, sipatin na lang natin
ang lawas niyang bato.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s