Trip

Inaasahan kong sasakyan niyo
ang biyahe ko,
para mapabilis
ang inyong lakad.

Kaya huwag niyo nang ipagtaka
o i-angal,
kung sa isang iglap
Hahahurot
ang sasakyan
pagkatapak ko ng silinyador
o pagpihit sa manibela.

Otsenta na ang bilis, hiyaw ng metro.

(Aba! ayaw ba ninyong malagpasan
ang mahabang pila ng mga sasakyan
sa outer lane ng Commonwealth?
Pagkatrapik-trapik man dito
ay nakakauna rin ako.)

Tulad niyo, ako’y nagmamadali.
Tulad niyo, ako’y may pupuntahan.
Tulad niyo, ako’y may iniiwasan.
Tulad niyo, ako’y naghahanap-buhay.

Kung sakali ma’t
nalulula na kayo sa tulin ng aking takbo,
ito lamang ang tatandaan:
Malaya kayong bumaba,
at bilisan ang inyong lakad
makarating lang kayo

sa inyong pupuntahan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s